• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Laptop anomaly’ sa DepEd, ‘di palalagpasin

HINDI  palalagpasin ng Senado ang umano’y overpriced na mga laptop na binili ng Department of Education (DepEd) bunsod para maghain na ng resolusyon na nananawagan sa Senate Blue Ribbon Committee na magsagawa ng imbestigasyon tungkol dito.

 

 

Sa Proposed Senate Resolution No. 134, sinabi ni Sen. Alan Peter Cayetano na may kagyat na pangangailangan na maimbestigahan ng Senado ang naturang isyu upang makatulong sa paglikha ng batas at para alamin kung bakit natagalan ang pagbili ng mga laptop gayong dapat napabilis ang proseso sa ilalim ng Bayanihan II.

 

 

Tinukoy ni Cayetano ang Commission on Audit (COA) report noong July 29, 2022 kung saan ipinunto ng ahensya ang pagiging overpriced ng mga laptop na binili ng Department of Budget and Management Procurement Service (DBM-PS) kumpara sa unit specifications ng mga ito.

 

 

Binili ang mga laptop gamit ang P4-bilyon pondo na itinalaga para sa implementasyon ng Digital Education, Information Technology (IT) at Digital Infrastructures and Alternative Learning Modalities bilang bahagi ng Bayanihan to Recover As One o Bayanihan II Act.

 

 

Inaprubahan ang panukala noong September 11, 2020, sa panahon ni Cayetano bilang House Speaker, upang tulungan ang mga guro na makaangkop sa hybrid learning at makapagturo sa mga mag-aaral online.

 

 

Gayunpaman, nagkaroon ng siyam na buwang pagitan mula sa pag-apruba ng budget at sa mismong pagbili ng mga laptop. Naigawad ang kontratang nagkakahalaga ng P2.4 billion para sa pagbili ng mga laptop noong June 30, 2021, samantalang nasimulan na lamang ang pagbibigay ng laptop sa mga guro noong August 2021, ayon sa DepEd.

 

 

Iminungkahi rin ni Ca­yetano na usisain ng Senado ang “evident discrepancy” o malaking diperensya sa pagitan ng P4-billion pondo at  P2.4 bilyon na presyo ng kontrata sa umano’y overpriced at malumang mga laptop na ipinamahagi sa mga guro.

 

 

Una nang naghain ng Senate Resolution 120 si Senate Minority Leader Koko Pimentel na inaatasan ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations na silipin ang ‘overpriced’ at ‘outdated’ na laptops para sa public school teachers. (Daris Jose)

Other News
  • Ads February 18, 2022

  • Pinamana na sa kanila ang ‘Wow Mali: JOSE at WALLY, wish na ma-prank si JOEY kahit malaki itong challenge

    ASAHAN na doble ang katatawanan, doble ang kalokohan, at doble ang kasiyahang hatid sa grand comeback ng longest-running at multi-awarded prank show ng bansa sa mas pinalakas na “Wow Mali: Doble Tama,” simula Agosto 26 at tuwing Sabado, 6:15PM sa TV5 at 7:00PM sa BuKo Channel.       Nakilala ang ‘Wow Mali’ bilang kauna-unahang […]

  • North Korea muling nagpalipad ng ballistic missiles

    MULING nagpakawala ng ballistic missile ang North Korea isang linggo matapos ang pinakahuling missile test nila.     Kinumpirma ito ng Japan at ang South Korea.     Nauna ng hinikayat ng anim na bansa ang North Korea na tigilan na ang ginagawa nitong missile test dahil ito ay lubhang mapanganib.     Ang pinakahuling […]