• June 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

6 na miyembro ng Haitian football team nawawala sa Florida

HINAHANAP na ng mga kapulisan sa Florida ang anim na miyembro ng football team ng Haiti matapos na sila ay naiulat na nawawala.

 

 

Ayon sa Osceola County Sheriff office, kinilala ang mga ito na sina Oriol Jean, 18, Anderson Petit-Frere, 18, Peter Mianovich Berlus, 19, Nicholson Fontilus, 20, Stevenson Jacquet, 24 at Antone Joseph Mithon, 32.

 

 

Ang mga ito ay miyembro ng Haiti’s Special Olympics delegation na sabay-sabay na nawala noong Hunyo 6.

 

 

Base sa mga kapulisan na huling nakita ang mga ito dakong 2:30 ng hapon sa Kissimee kung saan isinauli pa nila ang kanilang susi sa hotels at iniwan naman ang kanilang mga kagamitan bago nawala.

 

 

Nakikipag-ugnayan na sila sa Walt Disney World ang lugar kung saan gaganapin ang Special Olympics.

 

 

Nagsimula ang Special Olympics noong Hunyo 5 sa Orlando na ito ay magtatapos ng hanggang Hunyo 12.

 

 

Lalahukan ito ng nasa 5,500 na athlete at coaches kung saan inaasahan na papanoorin ng mahigit 12,000 katao.

Other News
  • Donaire target ang rematch kay Inoue

    Nakatuon na ngayon ang atensiyon ni Filipino WBC Bantamweight World champion Nonito Donaire Jr na makaharap muli si Japanese unified bantamweight champion Naoya Inoue.     Ito ang naging pahayag ng “The Filipino Flash” matapos ang matagumpay na pagdepensa ng kaniyang titulo laban kay Reymart Gaballo.     Pinatumba kasi ni Donaire si Gaballo sa […]

  • Silip sa dating PBA coach

    NATATANDAAN pa po ninyo si Bill Bayno?     Siya po ang kontrobersiyal na naging coach sa Philippine Basketball Association (PBA) sa Talk ‘N Text Phone Phone Pals (Talk ‘N Text Tropang Giga na ngayon) noong 2001-2002.     Kontrobersiyal ang pananatili niya sa ‘Pinas dahil kinalaban siya at ang TNT ng Basketball Coaches Association […]

  • 52 opisyal ng PNP-CSG sinibak dahil sa malpractice

    NAGSAGAWA ng balasahan ang Philippine National Police-Civil Security Group (PNP-CSG) at inalis sa puwesto ang 52 nilang opisyal dahil umano sa “malpractice.”   Ayon kay CSG Director Police Major General Roberto Fajardo, kabilang sa kanyang sinibak ang 30 police commissioned officer na may pinakamataas na ranggong police colonel, 17 non-commissioned officer at 5 non-uniformed personnel. […]