Large-scale water impounding facilities sa Bicol, ipinanukala
- Published on October 31, 2024
- by @peoplesbalita
Appropriations Committee Chairman at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co ang pagpapatayo ng large-scale water impounding facilities sa buong Bicol Region.
Naniniwala ang mambabatas na ang pagpapatayo ng water impounding facilities ay hindi lamanang makakatulong para mabawasan ang mga pagbaha kundi maging sa mapagkukuhanan ng tubig kapag sa panahon ng tag init.
Inihambing nito sa six-storey-deep water impounding structure sa Bonifacio Global City na siyang nangongolekta ng tubig kapag umuuulan.
“Such facilities, would aid in managing floodwaters and contribute to enhancing food security by supporting increased rice production. By improving irrigation, we can aim for two to three rice croppings per year, much like Japan,” anang mambabatas.
Inihayag din nito, kasabay ng isinasagawang ugnayan sa Department of Public Works and Highways ay napag-usapan ang paglalagay ng tunnel systems sa bulubundukin ng Bicol upang mas mapabilis din ang paaglabas ng tubig sa dagat.
“These tunnels would act like a flush system, allowing us to release excess floodwater during extreme weather events,” paliwanag nito. (Vina de Guzman)
-
COVID cases sa PH, hindi malabong pumalo ng 76,000 sa Agosto’ – UPLB expert
Pinangangambahan ng isang eksperto mula University of the Philippines Los Banos (UPLB) na maaari pang tumaas ng hanggang 76,000 ang kabuuang bilang ng covid-19 sa bansa sa buwan ng agosto. Dahil na rin ito sa nakikitang patuloy na pagtaas ng kaso ng deadly virus kada araw. Inihalintulad ni UPLB Assistant Dr. Darwin Bandoy […]
-
Libreng swab testing kaloob ng Quezon City LGU sa bar examinees
MAGKAKALOOB ang Quezon City government ng libreng swab testing sa 756 examinees at 350 personnel at volunteers sa isasagawang bar examination ngayong Linggo . Ayon kay Mayor Joy Belmonte ang hakbang ay bilang pagtiyak na ang mga examinees at iba pang kakasangkapanin sa isasagawang eksaminasyon ay ligtas mula sa exposure at hindi pagmulan […]
-
Team Asia may 2 panalo na lamang para magkampeon sa Reyes Cup Crown
DALAWANG panalo na lamang ang kailangan ng Team Asia para makuha ang kampeonato ng Reyes Cup Crown. Ang Asia Team ay mayroong 9-3 score matapos ang tatlong araw ng billiard games kung saan ang unang koponan na makakuha ng 11 points ay siyang magkakampeon. Nitong Huwebes ay nagwagi ang Asia team […]