• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Largest deal in history: Antetokounmpo, pumirma ng 5-yr supermax $228-M contract sa Bucks

Nag-trending sa buong mundo ang kumpirmasyon ng Milwaukee Bucks na pumirma na sa limang taon na kontrata ang superstar na si Giannis Antetokounmpo na nagkakahalaga ng $228 million.

 

Ang nakakalulang presyo ni Giannins ay tinagurian sa NBA na supermax at pinakamalaki sa kasaysayan.

 

Kaugnay nito sa kanyang statement, todo pasalamat ang NBA’s reigning two-time Most Valuable Player.

 

Masaya raw siya na magiging bahagi ng Milwaukee sa loob ng limang taon at itutuloy ang kampanya na makasungkit ng kampeonato sa hinaharap.

 

“This is my home, this is my city.. I’m blessed to be able to be a part of the Milwaukee Bucks for the next 5 years. Let’s make these years count. The show goes on, let’s get it,” ani Giannis sa social media.

Other News
  • Ads April 24, 2024

  • PSC nagpaumanhin sa pamilyang Eala

    KLINARO ng Philippine Sports Commission, (PSC) na nagka-misinformation sa P3M na pinansiyal na suporta para kay tennis teen star Alexandra ‘Alex’ Eala, kaya nagpa-erratum sa official Facebook page ang government sports agency nitong Linggo upang maitama ang kamalian.   Erratum: “PSC would like to correct previous posting made today of a P3-Mi assistance for Alex […]

  • VP Robredo bumanat vs 4 na karibal sa halalan

    HINDI bibitaw sa pangangampanya para sa pagkapangulo si Bise Presidente Leni Robredo matapos pagkaisahan ng kampo ng mga katunggaling sina Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, Sen. Panfilo Lacson, Sen. Manny Pacquiao at Norberto Gonzales sa isang joint press briefing.     Linggo nang manawagan sina Domagoso na dapat nang umatras sa presidential race si […]