Larry Muyang, sinuspinde ng PBA dahil sa paglabag sa kontrata
- Published on April 16, 2025
- by @peoplesbalita
SINUSPINDE ng Philippine Basketball Association (PBA) si Larry Muyang matapos itong lumabag sa kanyang kontrata sa Phoenix Fuel Masters. Ayon sa Phoenix, may bisa pa ang kontrata ni Muyang hanggang Mayo ngunit pinili nitong maglaro para sa Pampanga Giant Lanterns sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL). Kung saan nakapag-ambag si Muyang nang 35 points at 12 rebounds sa laban kontra Manila Batang Quiapo. Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, nagsisisi na umano si Muyang sa kanyang ginawa, ngunit posible pa ring magsampa ng kaso ang Phoenix. Kung magkakaayos man ang magkabilang panig, kinakailangan pa ring humarap ni Muyang sa PBA Board of Governors upang muling makabalik sa liga.
https://contents.spin.ph/image/resize/image/2019/11/25/larry-muyang-ja-1574692562.webp
-
MMDA, MMC magsasagawa ng malawakang pag-aaral hinggil sa posibleng bagong number coding scheme
SANIB-PUWERSA ang Metro Manila Council (MMC) at ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagsasagawa ng mas malawak na pag-aaral para sa implementasyon ng bagong number coding scheme sa rehiyon. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni MMDA chairperson Romando Artes na si Pasig Mayor Vico Sotto ang nagpanukala na pag-aralang mabuti ang […]
-
Okay na after ma-diagnose na may ‘Ramsay Hunt Syndrome’: JUSTIN BIEBER, magbabalik na sa kanyang naudlot na ‘Justice Tour’
NAGING dream pala noon ng aktres na si Ina Feleo ang mag-compete sa Olympics sa sport na figure ice skating. Bago naging artista si Ina, nag-train siya bilang isang figure ice skater sa edad na 9. “Nag-start ako nine years old, ‘yung pinsan ko galing Cebu may competition sila […]
-
Financial Literacy Seminar sa Navotas City
UMABOT sa 75 na mga senior, estudyante, small business owners, at mga empleyado ang dumalo sa Financial Literacy Seminar na isinagawa ng pamahalaang lungsod kaugnay ng pagdiriwang ng ika-118 Navotas Day. Binigyang-diin ni Mayor John Rey Tiangco ang halaga ng wastong kaalaman kung paano mag-ipon, mag-invest, at gumamit ng pera, lalo na para may sapat […]