• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Latest photo ni ANGEL, pinagpiyestahan na naman ng netizens

NAGBA-VIRAL ang latest picture ni Angel Locsin na kuha ng isang netizen nang makasabay nitong magsimba o magpunta sa simbahan ang aktres.

 

In fairness sa kumuha ng picture, natuwa ito na nakita si Angel at gandang-ganda rito. Hindi niya binaggit o binigyan man lang ng pansin kung chubby o tila mas nadagdagan pa ang timbang ng actress sa huling larawan nito na lumabas.

 

Pero hindi sa mga netizens na talagang pinagpipiyestahan at gulat na gulat sa weight gain ni Angel.

 

May nagsabi pa na, “Never in my wildest dreams na maiisip ko na tataba ng ganyan si Angel. Sobrang shocked ako dahil mas lalo pa siya tumaba ngayon! She used to be the sexiest woman in her generation and never ko talaga naisip na papayagan ni Angel na lumaki siya ng ganyan.”

 

Pero dahil sa magagandang bagay at ginagawa ni Angel para sa kanyang mga kababayan, may mga tumutuligsa man dahil sa weight gain niya, marami pa rin ang nagtatanggol rito at nagsasabing kung tumaba man ito, lutang na lutang pa rin ang ganda. (Rose Garcia)

Other News
  • PDU30, inaming talagang tinira ang ABS-CBN

    INAMIN ni  outgoing President Rodrigo Roa Duterte na talagang tinira nito ang ABS-CBN at sinabihan ang mga miyembro ng Kongreso na nakikipag-deal sila sa isang  “mandaraya.”     “Tinira ko talaga sila,” ayon kay Pangulong Duterte.     “I used the presidential powers to tell Congress that you are dealing with scoundrels and if you […]

  • PDu30, hindi naging pabaya sa pag-iimbestiga sa drug war killings

    Ang pagpapalabas ng impormasyon ng  52 kaso ng police anti-drug operations na nagresulta sa pagpatay sa mga  drug suspects  ay nagpapakita lamang na hindi naging pabaya si Pangulong Rodrigo Roa  Duterte sa kanyang obligasyon  na imbestigahan ang human rights violations sa panahon ng kanyang termino.     Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry […]

  • Pacquiao, mananatiling Pambansang Kamao ng mga Filipino

    MANANATILING “People’s Champ” si Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao kahit natalo siya kanyang laban kay WBA welterweight champion Yordenis Ugas ng Cuba.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, mananatiling matatag at hindi matitinag ang suporta ng publiko sa boxing career ng tinaguriang Pambansang Kamao.   “The boxing icon’s loss in Las Vegas would not diminish […]