Laure, Bagunas official Ambassadors para sa FIVB world men’s meet
- Published on March 6, 2025
- by Peoples Balita
IPINAKILALA sina Alas Pilipinas standouts Eya Laure at Bryan Bagunas bilang Official Ambassadors sa pamamahala sa bansa sa FIVB Men’s Volleyball World Championship Philippines 2025 sa Setyembre.
Makakasama rin nina Laure at Bagunas sa mga gagawing promotional tours dito at sa ibang bansa ang indie folk-pop band Ben&Ben bilang magiging Official Music Partner sa hosting ng world meet.
“Maraming salamat po dahil dito ay mas nakikilala ang volleyball sa Pilipinas at ngayon, best of the best pa ang magpupunta dito sa atin,” sabi ng 25-anyos na si Laure kahapon sa official launch na pinamunuan ni Philippine National Volleyball Federation (PNVF) president Ramon “Tats” Suzara sa The Vault sa BGC sa Taguig City.
Ang aktibidad ay simula ng isang six-month countdown bago ang makasaysayang event na hahataw sa Setyembre 12 hanggang 28.
“Nagpapasalamat po kami sa PNVF for bringing the world championship here. Sobrang laking bagay po nito sa Philippine volleyball community,” dagdag ng 25-anyos na si Bagunas.
Ang ‘Triumph’ ng Ben&Ben ang magiging official song sa kabuuan ng countdown para sa 32-team world tournament.
Nangako si Suzara na magiging matagumpay ang hosting ng bansa sa world meet katuwang ang Men’s World Championship Local Organizing Committee Executive Board.
“Let’s get it going. We’re 192 days away from history. Tulung-tulong tayo and let’s get the (full preparations) started,” sabi ni Suzara na siya ring executive vice president ng FIVB at presidente ng Asian Volleyball Confederation (AVC).
Nasa official launch din si Presidential son William Vincent “Vinny” Araneta Marcos, ang co-chairman ng LOC executive board at PNVF chairman emeritus kasama sina Senator Alan Peter Cayetano at Senator Pia Cayetano.
“Volleyball is really growing popular here in our country and I really can’t wait to see as we host the world championship,” ani Marcos.
“What we’re doing here is bigger than just volleyball. It’s bigger than one team, one goal and one NSA. It’s whole country effort to show the best of the Philippines,” dagdag ni Cayetano.
Naniniwala rin si Senator Pia Cayetano, miyembro ng LOC executive board, na lalong makikilala ang Pilipinas sa world sports dahil sa FIVB world men’s meet matapos ang matagumpay na 2023 FIBA Basketball World Cup hosting, ang Philippine national women’s football team sa 2023 FIFA Women’s World Cup at ang hosting ng 2025 FIFA Women’s Futsal World Cup
“It took us a lifetime to get here, to where the Philippine volleyball is, now hosting a world championship. This is not a regional or Asian championship but a world championship. This is major. We can make it happen but we have to do it all together to make it the best hosting ever,” sabi ni Cayetano.
-
NPC, sinimulan na ang imbestigasyon sa text scams na kasama na ang buong pangalan ng receiver sa mensahe
SINIMULAN na ng National Privacy Commission (NPC) ang imbestigasyon sa lumalalang text scams na naglalaman na ngayon ng pangalan ng subscriber. Sa isang kalatas, sinabi ni NPC Commissioner John Henry Naga na mahigpit na minomonitor ng kanilang ahensiya ang “the proliferation of unsolicited text messages,” tiniyak sa publiko na nakikipag-ugnayan na ang NPC […]
-
Pinas, dadalhin ang alyansa sa Estados Unidos sa ‘greater heights’ sa ilalim ng administrasyon ni Trump- DFA
MASIGASIG ang gobyerno ng Pilipinas na dalhin ang alyansa nito sa Estados Unidos sa “even greater heights” sa ilalim ni President-elect Donald Trump. Sa katunayan, looking forward si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na makatrabaho ang kanyang American counterparts sa ilalim ng administrasyon ni Trump. “The Philippines reaffirms its commitment to continue working with […]
-
China, nag-donate ng $200,000 sa Agaton relief operations
NAG-DONATE ang China ng $200,000, o P10.2 million, sa Pilipinas bilang suporta sa Tropical Storm Agaton relief operations ng bansa. “Our hearts go out to all the Filipino families who were devastated by TropicalSstorm Agaton,” ayon kay Ambassador Huang Xilian sa Facebook. “Chinese President Xi Jinping, State Councilor and Foreign Minister […]