Laurel, binalasa ang liderato ng DA
- Published on January 5, 2024
- by @peoplesbalita
ISANG malawakang balasahan ang ikinasa ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa liderato ng Department of Agriculture (DA).
Sa isang kalatas, sinabi ng DA na ang reshuffling o pagbalasa sa mga ‘key management positions’ sa loob ng departamento ay “meant to more efficiently carry out President Ferdinand Marcos Jr.’s marching orders to modernize the farm sector and ensure the country’s food security.”
Tinuran ng Agriculture Department na nauna nang nagpalabas si Laurel ng serye ng special orders na muling nagtatalaga sa ilang pangunahing opisyal ng DA “to better harness their talents and vast experience.”
Sa katunayan, kailangan nang isuko ni Senior Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian ang kanyang “multiple roles” matapos na italaga siya bilang adviser ng DA chief sa ilalim ng Technical Advisory Group ng Kalihim, gamitin ang malalim nitong pang-unawa sa farm sector, partikular na sa rice production.
Si Sebastian ay nauna nang itinalaga bilang Undersecretary para sa Rice Industry Development Program.
Pinalitan ni U-Nichols Manalo si Sebastian sa DA rice unit. si Manalo, pinangalanan bilang director ng National Rice Program —kung saan hahawakan ni Manalo ang nasabing posisyon kasabay ng kanyang posisyon bilang director IV at officer-in-charge-director ng field operations service, at director ng national corn program.
Samantala, itinalaga naman si Secretary Arnel de Mesa bilang full-time spokesperson ng DA.
Dagdag pa rito, aakto naman si officer-in-charge (OIC) Undersecretary for Operations Roger Navarro bilang OIC-Undersecretary for Rice Industry Development, OIC-national project director of the Philippine Rural Development Project, at OIC-Assistant Secretary for Operations.
Si Undersecretary for Fisheries Drusila Esther Bayate ay itinalaga bilang Undersecretary for Policy, Planning and Regulations “in a concurrent capacity.”
Itinalaga naman si Undersecretary Mercedita Sombilla para pangasiwaan ang operasyon at makikpag-ugnayan sa mga programa ng DA Bureaus.
Itinalaga naman si Chief Administrative Officer at OIC director for financial and management service Thelma Tolentino bilang Undersecretary-designate for Finance.
Inatasan naman si Undersecretary Agnes Catherine Miranda na pangasiwaan, mamahala sa mga operasyon at I-coordinate ang mga programa ng DA Attached Agencies at Corporations.
Tinuran pa ng DA na lumikha si Laurel ng isang team na tutugon sa mga “concerns, requests and facilitate submissions” ng DA sa Office of the President-Presidential Management Staff.
“Further changes in the DA leadership are likely given the temporary nature of certain appointments and the additional work load placed on the shoulder of certain officials,” ayon sa DA. (Daris Jose)
-
Customs ni-raid ‘hoarders’ ng libu-libong sako ng asukal sa Pampanga
LIBU-LIBONG sako ng hinihinalang hino-hoard na asukal ang nasabat sa isang warehouse sa San Fernando City, Pampanga sa gitna ng reklamo ng mga konsumer ng nagtataasang presyo nito sa merkado. Huwebes nang salakayin ng mga ahente ng Bureau of Customs ang Lison Building, kung saan naroon ang New Public Market, sa barangay Del […]
-
2 kalaboso sa P137K shabu sa Valenzuela
DALAWANG drug suspects, kabilang ang isa umanong high value target ang arestado matapos makuhanan ng higit P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na drug operation sa Valenzuela City. Sa report ni Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Jose Santiago Hidalgo, Jr., alas-11:20 ng gabi […]
-
CHLOE ZHAO, first Asian female director na nanalong Best Director sa ‘Golden Globe Awards’; nagwagi rin ang ‘Nomadland’
NAITAWID din ng Hollywood Foreign Press Association ang 78th Golden Globe Awards sa gitna ng pandemya at maraming kontrobersya sa kanilang nilabas na nominations. Pinalabas ng live virtually ang Golden Globes sa dalawang locations: The Rainbow Room of the Rockefeller Center in New York hosted by Tina Fey and at the Beverly Hills […]