• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lawyer-vlogger Trixie Cruz-Angeles tinanggap na ang alok ni Marcos na maging press secretary

NAPILI para susunod na pamunuan ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) si radio commentator, lawyer at pro-Duterte blogger na si Atty. Rose Beatrix Cruz-Angeles (Trixie Cruz-Angeles).

 

 

Ito ang kinumpirma ng kampo ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

Ang pangunahing gawain ni Cruz-Angeles ay ang pangasiwaan ang mga operasyon ng PCOO na kinabibilangan ng pagsasagawa ng regular na press briefing sa mga media practitioners na nagko-cover sa mga aktibidad ng Malacanang.

 

 

Si Cruz-Angeles, na isang social media strategist sa PCOO mula Hulyo 2017 hanggang 2018 sa panahon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, ay tinanggap ang alok na maging press secretary.

 

 

Kung maalala, noong unang bahagi ng taong 2000s, nagtrabaho si Cruz-Angeles sa ilang mga ahensyang kasangkot sa heritage and cultural conservation.

 

 

Nagtrabaho rin siya bilang tagapagsalita ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) at legal counsel para sa mga indibidwal na sangkot sa mga kontrobersyal na kaso.

 

 

Kabilang sa mga kliyenteng kanyang kinatawan ay ang itiniwalag na ministro ng Iglesia Ni Cristo (INC) na si Lowell Menorca II at dating pugante na naging Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

 

 

Noong 2016, sinuspinde ng Korte Suprema si Cruz-Angeles mula sa pagsasanay ng batas sa loob ng tatlong taon.

 

 

Sinabi ng mataas na hukuman, nilabag niya at ng kapwa abogadong si Wylie Paler ang mga sipi sa code of conduct ng abogado laban sa mga hindi tapat na gawain, pagpapabaya sa mga legal na bagay na ipinagkatiwala sa kanila, at pananagutan para sa pera ng kliyente.

 

 

Naging radio show host at prominenteng blogger din ito kung saan sinusuportahan niya ang administrasyon ni Pangulong Duterte. (Daris Jose)

Other News
  • COVID-19 vaccine brands, puwede nang sabihin sa recipients sa inoculation centers

    MAAARING isiwalat ng mga awtoridad ang COVID-19 vaccine brands sa kanilang recipients sa inoculation centers.   Ito’y matapos na ipagbawal ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang local government sa pag-anunsyo ng brand names para maiwasan ang mass gatherings.   “Malinaw ang paliwanag ng DILG na bagama’t hindi iaanunsyo ng LGU ang vaccine […]

  • PPC, PHILSPADA handa sa Summer Paralympic Games

    PATULOY ang mga agam-agam para sa ikalawang pag-urong ng petsa o tuluyang makansela na lang ang 16th Summer Paralympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong sa parating na Agosto 24-Setyembre 5 sa Tokyo, Japan sanhi ng pandemya.     May kaba man, walang puknat sa preparasyon ng Philippine Paralympic Committee (PPC) para sa nalalapit […]

  • Sikat na Tumbungan sa Tondo, dinala ni Yorme sa BGC

    SINO ang mag-aakala na puwede palang ilipat ang Tondo sa lugar na tirahan ng mga burgis, na may nagtatayugang gusaling pang-komersiyo at condominium gaya ng Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City?     Ang alam kasi ng marami, kapag nabanggit ang Tondo, lugar ito ng iba’t ibang klase ng tao, may mayaman, mahirap, edukado, […]