Layong i-institutionalize ang kasunduan sa pagitan nng DND at UP, reasonable proposal- Sec. Roque
- Published on January 26, 2021
- by @peoplesbalita
ITINUTURING ng Malakanyang na “reasonable proposal” ang paghahain ng batas na naglalayong i-institutionalize ang kasunduan sa pagitan ng Department of National Defense at ng University of the Philippines (UP) na nagbabawal sa presensiya ng mga sundalo at pulis sa nasabing campus.
“We’ve always respected the prerogative of our legislators to legislate national policies. Sa akin po, that seems to be a reasonable proposal but that has to be enacted po into law,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, isang UP alumnus, at dating professor ng UP.
Sa ulat, isang panukalang batas ang inihain sa Senado na layong amyendahan ang republic act 9500 o ang University of the Philippines (UP) charter para maisama na ang mga probisyon sa 1989 deal ng UP at ng Department of National Defense (DND).
Matatandaang sa ilalim ng naturang kasunduan ay hindi maaaring pumasok ang mga pulis at militar sa loob ng UP campus.
Sina Senador Joel Villanueva, Sonny Angara, Sendora Nancy Binay at Grace Poe ang nagsulong ng senate bill 2002.
Ayon kay Villanueva, sa panukalang ito ay nakapaloob ang ilang mekanismo para matiyak na hindi magiging hadlang ang naturang kasunduan sa pagpapatupad ng ating mga batas kabilang na dito ang pagpapaalam sa mga kinauukulan ng UP lalo na kung may lehitimong operasyon ang ating mga mga kapulisan o militar.
Nabatid na miyembro ng UP board of regeants si Villanueva habang sina Angara, Binay at Poe naman ay nag-aral rin sa naturang unibersidad.
Samantala, nag-alok naman si Sec. Roque na pumagitna kina Defense Secretary Delfin Lorenzana at UP president Danilo Concepcion para pag-usapan ang isyu.
Iyon nga lamang, tanging si Lorenzana lamang ang tumanggap ng kanyang alok na pag-usapan ang naturang isyu. (Daris Jose)
-
Eala sablay sa ‘Sweet 16’
Yumukod si Alexandra Eala kay Simona Walterts ng Switzerland, 6-4, 2-6, 7-5, sa rematch sa opening round ng International Tennis Federation (ITF) W15 Manacor tournament sa Manacor, Spain nitong Miyerkoles ng gabi. Kontrado ang 15-anyos na Pinay mula sa Quezon City, reigning Women’s Tennis Association (WTA) No. 763, Rafael Nadal Academy (RNA) athletic […]
-
‘Poblacion Girl,’ 8 pa kinasuhan na ng PNP
Sinampahan na ng reklamo ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Makati Prosecutor’s Office ang tinaguriang “Poblacion Girl” na si Gwyneth Anne Chua at walong iba pa. Kasong paglabag sa R.A. 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act ang isinampa kina Chua. […]
-
Slowly getting there na ang kanilang relasyon: LEXI, umaming gumawa ng first move para mapansin ni GIL
INAMIN ni Lexi Gonzalez na siya ang gumawa ng first move para mapansin siya ng aktor na si Gil Cuerva. Nangyari raw iyon noong mag-guest siya sa show na Taste Buddies last year kunsaan host si Gil. “After noong guesting ko sa ‘Taste Buddies’, inaasar-asar na nila kami no’n […]