LEBRON AT GREEN, NAGBIRUAN NA MAKAKABISITA NA RIN SILA SA WHITE HOUSE
- Published on November 11, 2020
- by @peoplesbalita
MATAPOS makumpirma ang panalo nina Joe Biden at Kamala Harris bilang next president at vice president agad na nangantiyaw si Warriors star Draymond Green.
Sa kantiyang tweeter message ipinaabot niya ang mensahe kay Lakers superstar LeBron James.
Ayon kay Green, sa wakas lahat daw ay makakapunta na rin sa White House.
Kung maalala bago lamang nagkampeon ang Lakers. Huling nakapunta ang isang NBA champion sa White House ay noong panahon ni Obama nang magkampeon ang Cavaliers at nandoon pa si James.
Pero nang umupo na si Trump noong 2016, naputol na ang naturang tradisyon.
Sumagot naman si LeBron kay Green ng “YO we back up in there my G!!!. I’m taking my tequila and vino too.”
Dahil dito umugong tuloy na dapat ding maimbitahan ang dating mga kampeon na Warriors at Raptors.
Samantala, pormal namang uupo sa puwesto sina Biden at Harris sa Jan. 20, 2021.
-
President-elect Marcos, tiwalang magiging mahusay na vice president si Sara Duterte-Carpio
TIWALA si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magiging mahusay ang ibibigay na serbisyo ni Vice President Sara Duterte-Carpio sa mga Pinoy. Ito ang naging reaction ng papasok na pangulo ng bansa kasabay ng inagurasyon ni Duterte-Carpio sa Davao City noong Linggo. Ayon kay Marcos, proud daw ito sa kanyang running […]
-
Typhoon Odette ‘mabilis pagtindi’ bago mag-landfall sa Dinagat, Siargao-Bucas Grande Islands
Sumasailalim ngayon sa mabilis na paglakas ang Typhoon Odette habang kumikilos ito sa kalugaran ng Dinagat Islands at Bucas Grande Islands. Natagpuan ang mata ng bagyo 265 kilometro silangan ng Surigao City, Surigao del Norte bandang 7 a.m. ng Huwebes. Lakas ng hangin: aabot ng hanggang 165 kilometro kada oras malapit sa gitna Bugso ng […]
-
Malabon LGU, nagpatupad ng real property tax amnesty sa delinquent taxpayers
NAGPATUPAD ang Pamahalaan ng Lungsod ng Malabon ng ordinansa na nagbibigay ng real property tax amnesty para sa delinquent taxpayers, na nagpapahintulot sa kanila na bayaran ang kanilang hindi nababayarang buwis, sa hangarin pagandahin ang revenue collection at palakasin ang ekonomiya ng lungsod. “Sa pamamagitan ng amnestiyang ito, makapagbibigay tayo ng tulong sa mga taxpayers […]