• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LeBron James muling ininda ang injury kaya ‘di makakapaglaro vs sa Nuggets

Hindi makakapaglaro si Los Angeles Lakers star LeBron James sa laban nila ng Denver Nuggets ngayong Martes May 4 dahil sa right ankle injury.

 

 

Natamo nito ang injury noon pang Marso 20 at hindi nakapaglaro ng 20 games.

 

 

Nagbalik ito sa paglalaro nitong Biyernes kung saan magkasunod silang natalo ng Sacramento Kings at Toronto Raptors.

 

 

Sinabi ni Lakers coach Frank Vogel na namamaga pa rin ang injury ni James na labis niyang iniinda kaya hindi siya makakapaglaro.

 

 

Nasa pang-limang puwesto ngayon ang Lakers sa Western Conference na kaparehas ang Dallas Mavericks at Portland Trail Blazers na mayroong 36 panalo at 28 talo, habang mayroong walong laro na lamang natitira.

Other News
  • POGO worker, minaltrato, kinidnap at idinitene

    MAY sampung araw nang nakadetine sa loob ng isang bahay ang isang POGO worker na kinidnap matapos na hindi makapagbayad ng P240,000 nang magpaalam na magre-resign sa pinagtatrabahuhan online gambling at uuwi na sa China sa Las Pinas.   Nabatid kay NBI OIC Director Eric Distor , inabutan ng mga ahente ng NBI, ang biktima […]

  • PDP-Laban Cusi Wing, tuluyan nang nilaglag si Pacquiao para makasama sa senatorial slate na sasabak sa Eleksyon 2022

    TULUYAN nang nilaglag ng PDP-Laban wing sa pamumuno ni Energy Secretary Alfonso Cusi si Sen. Manny Pacquiao para maikunsidera ito sa Senate slate para sa 2022 elections.    Nauna nang sinabi ng Cusi group na inalok nila si Pacquiao na makasama sa kanilang Senate slate matapos na mapatalsik ito bilang party president at sumunod naman […]

  • PBBM, inaprubahan at in-adopt ang 10-YEAR MARITIME INDUSTRY DEVELOPMENT PLAN 2028

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at in-adopt ang 10-year Maritime Industry Development Plan 2028 (MIDP), magsisilbi bilang whole of nation roadmap ng bansa para sa integrated development at strategic direction ng maritime industry.     Sa apat na pahinang Executive Order No. 55 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin noong Pebrero 8, […]