• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

POGO worker, minaltrato, kinidnap at idinitene

MAY sampung araw nang nakadetine sa loob ng isang bahay ang isang POGO worker na kinidnap matapos na hindi makapagbayad ng P240,000 nang magpaalam na magre-resign sa pinagtatrabahuhan online gambling at uuwi na sa China sa Las Pinas.

 

Nabatid kay NBI OIC Director Eric Distor , inabutan ng mga ahente ng NBI, ang biktima sa No.51 Aurora Pijuan St., Brgy. Talon Dos, Las PinÞas City,kung saan naaresto ang apat na Chinese national na sina Jiang Zhi Chao, Han Yong , Shi Qi, at Zhao Jian Wei at dalawang Filipino na sina Christopher Belarmino at Darnel Volante na unang kumidnap sa isa pang Chinese national na nakalaya matapos magbayad ng ransom.

 

Ayon sa biktima nakadetine siya sa bahay mula pa noong Oktubre 20 at siya umano ay nagta trabaho sa online gambling firm sa Wanhe Building, Vista Mall.

 

Ayon sa biktima hindi siya pinapasuweldo ng tama at kung minsan ay talagang walang ibinibigay na suweldo sa kanya kaya ipinasya niya na huminto na sa pagta-trabaho at bumalik na lamang sa China.

 

Nang ipaalam niya sa kanyang boss at assistant nito na sina Pang Zi at Liang Zi hiningan siya ng P240,000 para ibalik sa kanya ang kanyang passport at payagan na makabalik sa China.

 

Nang hindi siya makapagbigay ng pera , itinali umano siya ni Liang Zi sa kanilang sasakyan at hinataw ng hinataw ng stick kasama si Xiao Yao na isa pang assistant at saka dinala sa bahay kung saan siya sinuntok at pinagsisipa hanggang hindi na siya makagulapay.

 

Sinabihan umano ang biktima na mananatili siya sa loob ng bahay hanggang hindi siya nakakapagbayad ng P240k.

 

Nakita rin niya ang Chinese national na nagreklamo sa NBI na dinala sa bahay na nakaposas noong Oktubre 26 pero pinalaya rin ng nabanggit na araw matapos na makapagbayad ng ransom.

 

Nakakumpiska pa ang mga ahente ng NBI ng isang Taurus.40 cal.pistol, na may isang magazine na may 11 bala,1sang Glock 22 na may 10 bala, posas at iba’t ibang dokumento.

 

Nabatid na ang mga naaresto ay dinala sa NBI Detention Fa- cility para sa pagsasampa ng kaukulang kaso. (Gene Adsuara)

Other News
  • CPP-NPA-NDF, nasa likod ng Tinang incident

    ITINUTURONG “mastermind” ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa nangyaring gulo sa pinag-aawayang lupain sa  Hacienda Tinang sa Concepcion, Tarlac noong Hunyo 9.     Ito ang isiniwalat ng mga dating miyembro ng Communist Terrorist Groups (CTGs) sa isinagawang  special virtual press briefing ng National Task Force to End Local […]

  • Nalungkot at pinanghinaan ng loob sa viral post na withdrawal of support ng ilang heneral at opisyal ng military

    INAMIN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na labis siyang nalungkot at pinanghinaan ng loob nang makarating sa kanyang kaalaman na may ilang heneral at opisyal ang nagplano na mag-withdraw ng kanilang suporta sa kanya dahil sa kanyang posisyon sa pagsalakay ng mga tsinoy sa Philippine water.   “Talagang downhearted ako. If we cannot work together […]

  • Ads October 3, 2020