Legal department ng PHILHEALTH, kailangang unahing linisin sa korapsyon -Sec. Roque
- Published on August 10, 2020
- by @peoplesbalita
KUMBINSIDO si Presidential spokesperson Harry Roque na kailangang unahing linisin ang Legal Department ng PHILHEALTH kung gustong masugpo ang korapsiyon sa ahensiya.
Ayon kay Roque, nasa nasabing departamento ang problema gayung batay sa binuong batas sa PHILHEALTH, hindi lang nagsisilbing investigator, piskal kundi executioner din ang legal department.
Aniya kung nais matakpan ang isang anomalya, magagawa ito sa nasabing departamento.
“Well, iyong sinusulong po natin iyong Universal Health Care sa 17th Congress, sinabayan din natin ng imbestigasyon sa mga korapsyon sa PhilHealth. At ang naging conclusion ko mismo ‘no bilang awtor ng Resolution, ang problema talaga sa PhilHealth ay nasa legal department,” ayob kay Sec. Roque.
“Kasi nga doon sa batas na bumuo ng PhilHealth, iyong legal department ang siyang investigator, a fiscal, huwes at saka executioner. At dalawang taon ang nakalipas, iyong GCG, iyong parang nagbabantay sa mga government-owned corporation, binigyan ng ‘zero’ na grado ang PhilHealth kasi doon sa dalawang taon na iyon, sa dami-daming mga kaso na dapat naaksyunan, ‘zero’ ang output ng legal department. So kung ikaw talaga ay magtatakip ng mga anomalya diyan, talagang ang—yayariin mo talaga, diyan sa legal department,” dagdag na pahayag nito.
Sinabi ni Sec. Roque na matagal na niyang sinabi kay PHILHEALTH President Ret Gen Ricardo Morales na dapat nitong malinis ang nasabing departamento lalo pa’t ito umano ang nagtataguyod ng accountability.
“At mula’t mula pa, bago pa si General Morales, sinabihan ko na siya na kinakailangan talaga linisin niya ang legal department na iyan dahil sila talaga iyong nagpo-promote ng accountability. At kapag hindi gumagana iyong legal department, wala talaga – puro korapsyon iyan!,” ayon kay Sec. Roque.
Sa kabilang dako, tinukoy naman ni Sec. Roque si PHILHEALTH Senior Vice President Jojo del Rosario bilang isa sa mga nasa legal department na naging dahilan para mabasura ang reklamo nuon sa Wellmed scam na nasangkot nuon sa ghost dialysis patients controversy.
“Opo, siya pa rin po. Siya po ngayon ang head diyan. Siya po ay Senior VP at siya rin po ang gumawa o nagpa-file ng complaint laban sa WellMed na na-dismiss ng regional trial court; at sa aking tingin, mali. Ito po si Atty. Jojo Del Rosario,” ayon kay Sec. Roque. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Murray hiling ang katiyakan sa health protocols sa US Open
Nais ni tennis star Andy Murray na magkaroon ng katiyakan na hindi na sila mahaharap sa mandatory quarantine kapag bumalik na sila sa Europe mula sa paglalaro sa US Open. Kasunod ito ng pagpatupad ng organizers ng United States Association (USTA) ng striktong bio-security “bubble” para maging maliit lamang ang posibilidad ng pagkakahawa ng […]
-
SWAB TESTING COMPANY SA NAIA NA GRABENG MANINGIL DAPAT MAPAALIS SA PALIPARAN -MALAKANYANG
KINAKAILANGAN na mapaalis ang swab testing company sa airport na sobra ang hinihinging singil sa mga indibidwal na nagpapa rt- PCR test sa kanila. Tugon ito ni Presidential spokesperson Harry Roque sa harap ng impormasyon na isinawalat ni Senador Richard Gordon na ilang swab testing firms ang naniningil ng beinte mil kada swab test. […]
-
Pagkatapos ng pakikipaglaban sa breast cancer: Hollywood actress na si SHANNEN DOHERTY, pumanaw sa edad na 53
PUMANAW sa edad na 53 ang Hollywood actress na si Shannen Doherty na kilala bilang si Brenda Walsh sa ‘90s drama series na ‘Beverly Hills 90210’ at bilang si Prue Halliwell sa ‘90s fantasy-comedy series na ‘Charmed’. July 13 noong pumanaw ang aktres pagkatapos ang kanyang pakikipaglaban sa sakit na breast cancer since 2015. […]