• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Legaspi pang-13 sa Cactus

LUMAGAK na pang-13 ang dating national golf women’s team member na si Clare Amelia ‘Mia’ Legaspi sa kahahambalos na Morongo-Champions sa Morongo Golf Club/Tukwet Canyon sa Beaumont, California, United States.

 

 

Bumitaw ang Pinay golfer ng seven-over par 79 sa opening at six-over 78 sa closing upang maisalba ang 13-over 157 sa 24-player event na nagsisilbing una niyang paligsahan para sa 2022 golfing season. Ang event ang fifth leg ng 4th Cactus Tour 2022 na nilahukan na rin niya noong isang taon.

 

 

Nagreyna ang ang kaestado ni Legaspi na si Haley Moore (70-137) sa pamamagitan ng three strokes laban sa kapwa Amerikanang si Katjleen Scavo (67-140). Pumangatlo ang isa pang Kana sa katauhan ni Ho Yu An na may 144 makaraan ang 70 sa final round.

 

 

Sunod na sasabakan ng 23-taong-gulang, 5-7 ang taas na dalagang tubong Quezon City pero nakabase na sa Santa Clarita, California at dating pambato ng UCLA Bruins, ang Morongo-Legends sa naturan pa ring playing venue.  (REC)

Other News
  • Pinakamataas na bilang ng mga gumaling sa COVID sa Phl, naitala ngayong Easter Sunday; higit 11-K bagong kaso

    Mula sa 12,576 kahapon, nakapagtala ngayong Linggo ng Pagkabuhay na 11,028 na bagong kaso ng Coronavirus Disease (COVID) sa bansa.     Sa tala ng Department of Health (DOH) alas-4:00 ng hapon, umakyat na sa kabuuang 795,051 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas.     Iniulat din ng DOH ang 41,205 na bagong […]

  • PSC: 300 para-athletes lumahok sa webinar

    Lumahok ang mahigit 300 national para-athletes at coaches sa katatapos na week-long webinar na pinangunahan ng Philippine Sports Commission (PSC) kaugnay sa pagdiriwang ng National Council on Disability Affairs’ 42nd National Disability Prevention and Rehabilitation Week.   Nakipag-tululungan ang PSC sports rehabilitation unit sa Philippine Paralympic Committee (PPC) para sa online seminars ng mga differently-abled. […]

  • Ginang, mister huli sa aktong nag-aabutan ng shabu sa Valenzuela

    SA KULUNGAN ang bagsak ng dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang isang ginang matapos maaktuhan nag-aabutan ng shabu sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Valenzuela Police Sub-Station 6 commander PLt. Armando Delima ang mga nadakip bilang sina Angeline Timosan, 53, at Rolando Tesorero, 54, construction worker at kapwa […]