• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Leni ‘di tatakbong Pangulo sa 2028

KASABAY ng kanyang paghahain ng kandidatura sa pagka-mayor sa Naga City, nilinaw ni dating Vice President Ma. Leonor “Leni” Robredo na hindi na siya tatakbong muli bilang Pangulo ng bansa sa 2028 national elections.

 

Sinabi ni Robredo na sakaling manalo siya bilang mayor ng Naga City, hindi niya gagamitin ito bilang “jumpoff point” sa pagtakbo naman sa 2028.
“Tingin ko magiging unfair para sa city if gagamitin ko lang pagiging mayor bilang jumpoff point. Hindi ako magiging effective mayor kung ang iniisip ko lang ay ‘yung 2028,” pahayag ni Robredo.

 

Dakong alas-10 ng umaga kahapon ng dumating si Robredo sa Comelec-Naga City Office na sinamahan ni election lawyer Atty. Romeo Maca­lintal, at buong line up nito para maghain ng kanyang certificate of candidacy sa pagka-alkalde ng nasabing lungsod sa ilalim ng Libe­ral Party na tinanggap ni Comelec officer Atty. Maico Julia, Jr.

 

Kasama rin ni Robredo na naghain ng COC ang ka-tandem na si Camarines Sur 3rd district Cong. Gabriel “Gabby” Bordado na patapos na sa huling termino at target naman ang vice mayoral position sa Naga City. (Daris Jose)

Other News
  • State of calamity sa buong bansa, idineklara ni Duterte dahil sa ASF

    Nagdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng state of calamity sa buong bansa dahil sa African swine fever.     Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, batay sa Proclamation No. 1143 tatagal ang state of calamity hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan maliban na lamang kung babawiin na ni Pangulong Duterteng mas maaga.     “Ang […]

  • TALAMAK NG DROGA, PUGAD SA PROSTI

    SA bansang may sariling gobyerno at sinusunod na batas, lahat ay pantay-pantay.   Hindi sinusukat ang yaman o posisyon sa lipunan. Higit sa lahat, walang kinikilalang lahi, basta nakatapak sa teritoryo, obligadong sumunod sa batas at kung may nilabag man ay dapat managot.   Ang tanong, ito ba talaga ang nangyayari? ‘Yung mga bawal, bawal […]

  • Ads May 11, 2024