• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Leon’ lumakas pa: North Luzon, Quezon, Bicol tinumbok

LUMABAS ang bagyong Leon habang nasa may katubigan ng silangan ng Cagayan.

 

 

Alas-5 ng hapon kahapon, ang sentro ng Leon ay namataan ng PAGASA sa layong 505 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan o nasa layong 515 kilo­metro silangan ng Aparri, Cagayan.

 

 

Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 150km bawat oras at pagbugso na sa 185 km bawat oras.

 

 

Dulot nito, nakataas ang signal number 2 ng bagyo sa Batanes, Babuyan Islands, mainland Cagayan, northern at eastern portions ng Isabela, Apayao, northern portion ng Kalinga, northern portion ng Abra at Ilocos Norte.

 

 

Signal number 1 naman sa nalalabing bahagi ng Isa­bela, Quirino, Nueva Vizcaya, nalalabing bahagi ng Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, nalalabing bahagi ng Abra, Ilocos Sur, La Union, eastern portion ng Nueva Ecija, Aurora, northern at eastern portion ng Quezon, kasama na ang Polillo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay at northern portion ng Sorsogon.

 

 

Lalapit si Leon sa Batanes Huwebes ng madaling araw o sa hapon na maaaring lumakas bilang super typhoon paglapit dito.

 

 

Makaraang lampasan ang landmass ng Taiwan, si Leon ay iikot sa hilaga hilagang silangan ng Taiwan Strait papuntang East China Sea hanggang sa lumabas ng Philippine Area of Responsibility sa November 1. (Daris Jose)

Other News
  • THE AUTOBOTS COME FACE TO FACE WITH THE MAXIMALS IN NEW CLIP FOR “RISE OF THE BEASTS”

    STAND DOWN. Watch the Autobots meet the Maximals for the first time in the new clip “Prime Meets Primal.” Transformers: Rise of the Beasts, the latest from the Transformers franchise from Paramount Pictures, arrives in cinemas across the Philippines June 7.      YouTube: https://youtu.be/vGwnSaSYnUE Facebook: https://www.facebook.com/paramountpicsph/videos/944125290341488       Get ready to RISE UP […]

  • Higit 300K stude sa private school lumipat na sa public -DepEd

    Tinatayang nasa 300,000 estudyante mula sa private school ang lumipat na sa pampublikong paaralan para sa paparating na academic year 2020 hanggang 2021 sa gitna ng coronavirus pandemic, ayon sa Department of Education (DepEd).   “Ang sabi po sa amin ng field officials namin, traditionally ang private schools, nahuhuli mag full blast ng enrollment,” ani […]

  • Rockets sabog sa Lakers

    Pinabagsak ng Los Angeles Lakers sa  pangunguna ng super tandem nina LeBron James at Anthony Davis ang nanghihinang Houston Rockets, 110-100, sa Game 4 ng kanilang NBA playoffs best-of-seven semifinals series na ginaganap sa bubble sa pasilidad ng Walt Disney sa Orlando, Florida. Hindi na pinaporma ng Lakers ang Rockets simula 1st quarter hanggang 4th […]