Rockets sabog sa Lakers
- Published on September 14, 2020
- by @peoplesbalita
Pinabagsak ng Los Angeles Lakers sa pangunguna ng super tandem nina LeBron James at Anthony Davis ang nanghihinang Houston Rockets, 110-100, sa Game 4 ng kanilang NBA playoffs best-of-seven semifinals series na ginaganap sa bubble sa pasilidad ng Walt Disney sa Orlando, Florida.
Hindi na pinaporma ng Lakers ang Rockets simula 1st quarter hanggang 4th quarter at isang panalo na lang ay papasok na ang koponan sa Finals ng NBA Western Conference (WC).
Kumamada si Davis ng 29 points para buhatin sa panalo ang Lakers habang si LeBron ay umambag ng 16 points.
Kagaya ng game 3, maganda pa rin ang ipinakitang laro ng secret weapon na si Rajon Rondo na nagmando sa floor para sa opensa ng Lakers.
Naging susi rin sa panalo ng Lakers ang mahigpit nitong depensa at paggamit ni coach Frank Vogel ng small lineup upang tapatan ang bilis ng Rockets.
Nasayang naman ang ikinamadang 25 points ni Russel Westbrook at 21 points ni James Harden.
Nangako ang Rockets na babawi sila sa kanilang do-or-die Game 5 para mapalawig pa ang serye habang sinabi naman ng Lakers na tuluyan na nilang pababagsakin ang Houston sa susunod na laro para makapasok na sa Finals ng WC
-
PBBM, ipinag-utos ang Whole-Of-Gov’t Approach para palakasin ang bagong maritime program
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang whole-of-government approach para palakasin ang bagong maritime industry program, nakikitang makapagdadala ng mahalaga at matibay na economic growth sa bansa. Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos sa idinaos na Philippine Maritime Industry Summit 2023, sinabi ng Pangulo na sakop ng bagong programa, tinawag na Maritime […]
-
Ads December 3, 2021
-
Japan naghigpit sa mga atleta na mula sa mga bansang may mataas na kaso ng COVID-19
Hinigpitan ng Japan ang ilang atleta na manggagaling sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19. Kinabibilangan ito ng mga atleta na galing sa India, Nepal, Pakistan, Sri Lanka, Maldives at Afghanistan na may naitalang mataas na kaso ng Delta variant. Nakasaad sa plano na kailangan na mag-swab test ang mga ito […]