• June 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Leptospirosis cases sa ‘Pinas nasa 878 na; 84 nasawi – DOH

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng pagtaas ng mga kaso ng leptospirosis sa Pilipinas bunsod na rin ng mga nakalipas na mga pag-ulan at pagbaha.
Ayon sa DOH, batay sa isinasagawa nilang patuloy na WILD (Water-borne illness, Influenza-like Illness, Leptospirosis, and Dengue) monitoring, naobserbahan nila na sa Morbidity Week 24 (Hunyo 15, 2024), ang kabuuang bilang ng mga kaso ng leptospirosis ay nasa 878 na.
Paliwanag ng DOH, bagama’t ito ay kalahati lamang ng bilang ng 1,769 leptospirosis cases­ na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, naobserbahan naman umano nila ang pagsisimula ng pagtaas ng weekly case count ng sakit dahil sa mga pag-ulan.
Sinabi ng DOH na mula sa anim lamang na naitala noong Mayo 5-18, umabot na sa 60 ang kasong naitala noong Mayo 19 hanggang Hunyo 1. Sinundan ito ng 83 kaso na naobserbahan naman mula Hunyo 2 hanggang 15.
Nabatid na maliban sa Zambonga Peninsula at Northern Mindanao regions, lahat ng rehiyon ay nakapagtala ng pagtaas ng leptospirosis cases mula sa nakalipas na buwan.
Umaabot na rin ­umano­ sa 84 na kaso ng pagkamatay dahil sa leptospirosis ang naitala ng DOH hanggang noong Hunyo 15 lamang.
Ayon sa DOH, ang leptospirosis ay isang bacterial infection na nai­lilipat sa tao ng iba’t ibang hayop, gaya ng daga, sa tao, sa pamamagitan ng kanilang waste products, gaya ng ihi at dumi na nahahalo sa lupa, tubig at vegetation.
Other News
  • LALAKI, INARESTO SA PANGONGOTONG SA LABAS NG NBI COMPOUND

    INARESTO ng  National Bureau of Investigation-Special Action Unit (NBI-SAU) ang isang lalaki sa pangongotong sa isang aplikante na kumukuha ng NBI  clearance sa loob ng NBI Headquarters sa Manila.     Kinilala ni  NBI Officer-in-Charge (OIC)-Director Eric B. Distor ang suspek na si Mark Endaya Cabal.     Ang pagkakaaresto kay Cabal ay bunsod sa […]

  • NBI at PNP, hinimok na pukpukin ang mga kumikitang e-sabong operations sa bansa

    HINIMOK  ni Senador Ronald ‘’Bato’’ dela Rosa ang National Bureau of Investigation at Philippine National Police (PNP) na pukpukin ang mga kumikitang e-sabong (electronic cockfighting) operations sa bansa.     Kausap ni Bato ang abogadong si Rennan Oliva, kasalukuyang direktor ng NBI Cebu regional office, na binantaan umano ng kaso ni Negros Oriental 3rd district […]

  • Cong. Tiangco suportado ang panawagan ni PBBM na rebyuhin ang minimum wage

    NAGPAHAYAG ng suporta si Navotas Representative Toby M. Tiangco sa panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos na rebyuhin ang minimum wage rates sa bawat rehiyon.     Sa kanyang talumpati sa Labor Day, iniutos ni Marcos sa Regional Tripartite Wage and Productivity Boards na “initiate a timely review of the minimum wage rates in their respective […]