• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LGBT Bulacan Federation, naglaan ng 600 vaccination slots para sa mga Bulakenyo

LUNGSOD NG MALOLOS – Naglaan ang Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office at Provincial Health Office – Public Health, sa inisyatiba ng LGBT Bulacan Federation, ng 600 vaccination slots para sa mga Bulakenyo laban sa COVID-19 na isasagawa sa Nobyembre 11, 2021, 8:00 N.U. hanggang 2:00 N.H. sa Provincial Vaccination Site, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Capitol Compound, dito.

 

 

Naka-post ang registration form sa Bulacan Tourism Facebook Page kung saan may 600 slots ng Pfizer vaccines ang nakareserba para sa mga indibidwal na may edad na 18 pataas, kung saan matapos mag-register, isang confirmation text message ang ipadadala sa kanila.

 

 

Kinakailangan ding magdala ng valid ID, sariling ballpen, face mask at face shield ng mga nagparehistro; kung walang valid ID, maaaring dalhin ang birth certificate, student ID o barangay clearance, habang ang mga indibidwal na buntis o may comorbidity ay kinakailangang magdala ng medical clearance.

 

 

Sinabi naman ni Gob. Daniel R. Fernando na malakas ang kanyang paniniwala na muling makakabangon ang lalawigan mula sa pandemya.

 

 

“Hindi po ako mapapagod na magpaalala sa inyong lahat na magpabakuna kung ang kapalit naman nito ay ang immunization na ninanais natin mula ng magsimula ang pandemyang ito. Hangga’t patuloy po ang pagbabakuna sa ating lalawigan, tumitibay po ang aking paniniwala na tayo ay makababalik sa normal nating mga pamumuhay,” anang gobernador.

 

 

Samantala, mahigpit na ipinagbabawal ang mga walk-in at ipinagbabawal rin sa mga nagparehistro ang pag-inom ng kahit anong uri ng alak isang araw bago ang pagpapabakuna.

 

 

Para sa iba pang mga katanungan, mangyaring makipag-ugnayan sa Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office sa 09190793526.

Other News
  • Give it your best shot- Malakanyang

    GOOD LUCK!     Ito ang mensahe ng Malakanyang sa mga bar takers ngayong taon sabay sabing “give it your best shot.”     “We wish good luck and godspeed to the more than 11,000 barristers taking the bar exams being held today and on Sunday February 6,” ayon kay acting presidential spokesperson at Cabinet […]

  • Ads November 12, 2022

  • Challenge sa ibang loveteams na umamin na rin: RONNIE, hiyang-hiya noong itinatago pa ang relasyon nila ni LOISA

    BALIK-TAMBALAN sa pelikula sina Julia Barretto at Joshua Garcia.     Ito ang ipinahayag ni Julia sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa online channel ng batikang TV host.     “I’m going to do a movie with Josh under (production company) Black Sheep this year,” sambit ni Julia.     Sa interview ni […]