• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LGUs inalerto sa India variant

Inalerto ni Infectious Disease expert Dr. Rontgene Solante ang mga lokal na pamahalaan upang paigtingin pa ang pagbabantay at mas mataas na ‘contact tracing’ makaraang umakyat na sa 12 ang kaso ng Indian variant ng COVID-19 sa bansa.

 

 

“The only way to prevent further transmission in the community, especially to know where it is coming from, is to control and be monitored by the local government unit concerned,” ayon kay Solante, head ng San Lazaro Hospital-Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine department.

 

 

Pinaalalahanan din ni Solante ang pamahalaan na kailangan na masusing i-monitor ang lagay ng kalusugan ng mga indibidwal na dinapuan ng India variant dahil maaaring lumubha ang kanilang kundisyon anumang oras.

 

 

Sinabi ni Solante na nakakabahala ang kundisyon ng mga dinapuan ng India variant dahil sa taglay nitong mutasyon na nakaiwas sa natural na ‘immune system’ ng isang tao. Patunay nito ang nangyayari sa India na napakarami na ang nasawi.

 

 

“We should monitor because there are reports already that it can also cause severe disease. So this means it is possible that their condition could be severe and I hope it won’t. I hope it only gets mild,” ayon kay Solante. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Face unlock, fingerprint biometrics’ posibleng gawing requirements sa pagboto

    NAGPAHAYAG  ng kahandaan ang Commission on Elections (Comelec) na posibleng gawing requirements sa mga susunod na eleksyon ang ‘face unlock at fingerprint biometric features’ para makaboto ang isang botante.     Inihayag ito ni Comelec Commissioner George Garcia makaraang ipanukala ni Vice President Sara Duterte na isama ang naturang mga biometrics na mga security features […]

  • Pinay boxer na si Nesthy Petecio, binati ni Go

    “Mabuhay ka, Nesthy! Isa kang lodi!”   Binati ni Senador Bong Go ang pinay boxer na si Nesthy Petecio sa pagkapanalo ng Tokyo Olympics silver medal sa Women’s Featherweight boxing.   “Congratulations to Nesthy Petecio for winning the Tokyo Olympics silver medal in Women’s Featherweight boxing! Yours is a historic win for being the first […]

  • Ex-PBA player Junel Mendiola, pumanaw na, 45

    Pumanaw na ang dating PBA player na si Junel Mendiola sa edad 45.   Sinasabing hindi na nito nakayanan ang lung surgery noong Mayo 29 sa Cardinal Santos Medical Center.   Mula sa Intensive Care Unit (ICU) ay inilipat ito sa regular na room ang dating miyembro ng 2002 Purefoods champion team.   Ipinagdiwang pa […]