LGus, kasama na sa A4 priority list na matuturukan ng covid 19 vaccine
- Published on March 24, 2021
- by @peoplesbalita
KASAMA na ang mga opisyal ng local government units (LGU) sa “A4” priority na matuturukan ng Covid-19 vaccine.
Makakasama ng mga ito sa priority list ang iba pang frontline personnel sa essential sectors kabilang na ang uniformed personnel at nasa working sectors.
“A4 po ata ha, but I could be wrong, pero kasama na sila sa A priority ,” ayon kay Sec. Roque.
Sinabi ni Sec. Roque na ang iba pang opisyal ng pamahalaan gaya ng mga Cabinet members ay mananatili sa “B2” category.
“Well, I think not all government officials will have priority. In fact, doon kami sa ‘B’, matapos iyong unang priority,” aniya pa rin.
Nilinaw ni Sec. Roque na hindi lahat ng government officials ay kasama sa priority list ng pamahalaan.
“There will be priority for government workers ‘no. Pero sa ngayon po, hindi pa po kasama ang lahat ,” ang pahayag ni Sec. Roque.
Sa ngayon ay may 1,634 provincial governors at city at municipal mayors at 42,046 barangay chairpersons sa buong bansa.
Ani Sec. Roque, marami pang opisyal ng pamahalaan at manggagawa ang nahawaan ng Covid-19.
Umaasa naman si Sec. Roque na ikukunsidera ng interim National Immunization Technical Advisory Group (iNITAG) na pag-aralan ang inclusion o pagsasama sa iba pang government officials sa priority list.
“Pinag-aaralan naman po siguro iyan ng ating mga miyembro ng NITAG kasi mayroon talagang mga taong front-liners within government service na hindi ‘health’ at kasama po iyong opisina namin ‘no dahil we provide information at this critical time of a pandemic,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Para sa inisyal na vaccination rollout, gumagamit ang pamahalaan ng donated vaccines mula Chinese drugmaker Sinovac at COVAX facility.
Sumipa naman ang vaccination program ng gobyerno para sa frontline healthcare workers noong Marso 1.
Inaasahan naman na darating sa bansa sa second quarter ng taon ang bulto ng vaccine doses. (Daris Jose)
-
Sa Hong Kong sila nagsu-shoot ng movie: WIN at JANELLA, kinumpirma na ang pagtatambal sa ‘Under Parallel Skies’
DAHIL naglalabasan na rin naman kung sino ang Thai actor na leading man ni Janella Salvador sa ginagawang movie at kasalukuyang sinu-shoot ngayon sa Hong Kong, ang “Under Parallel Skies,” nagkaroon na nga ng video announcement sina Janella at ang Thai actor na si Win Metawin. Ang movie ay under Squared Studios, […]
-
RECORD BREAKING UNEMPLOYMENT SA PILIPINAS
Umakyat sa nakalululang 17.7% ang unemployment rate sa bansa o katumbas ng 7.3 milyong indibidwal na walang trabaho mula sa dating 2.3 milyon pagtatapos ng taong 2019. Ito ang bagong pinakamatas na rekord matapos ang 1998 economic recession sa Pilipinas kung saan umabot sa 10.3% ang kawalan ng hanapbuhay. Ayon kay Department of Labor […]
-
Trabahante na kinuha sa DPWH projects, pumalo sa 1.6M
PUMALO sa mahigit 1.6 milyong Filipino ang naging trabahante o nagtrabaho para sa agresibong implementasyon ng infrastructure projects lalo na sa pamamagitan ng Build Build Build project. Sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Roger G. Mercado na mula sa buwan ng Enero hanggang Disyembre ng nakaraang taon, ay nagawa […]