LGUs may 1-time extension para sa cash aid distribution hanggang May 15 – DILG
- Published on April 27, 2021
- by @peoplesbalita
Kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na nasa 61.85% na ang naipamahagi sa kabuuang P22.9 billion na pondo na inilaan ng gobyerno para sa mga residente ng National Capital Region (NCR) na apektado sa dalawang linggong re-imposition ng enhanced community quarantine (ECQ) sa “Plus Bubble.”
Nasa P4,000 cash aid ang ibinigay ng pamahalaan sa bawat pamilya.
Ayon kay Año, sa Metro Manila 68.51% ng kompleto at mayroon ng ECQ-fund disbursement, sumunod ang Laguna na may 65.76% completion, Rizal na may 56.9%, Bulacan na may 53%, at Cavite na may 47%.
Inihayag din ng kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) na kanilang bibigyan ng “one-time extension” para sa cash aid distribution ang mga local government unit (LGU) hanggang May 15.
Layon nito na kanilang matugunan ang mga reklamo kaugnay sa pamamahagi ng tulong pinansyal at maayos ito sa kanilang lebel pa lamang upang hindi na umabot pa sa demandahan.
Pinuri naman ng kalihim ang mga LGU sa maayos na pamamahagi ng cash aid.
Binigyang-diin ni Año, na kanilang papanagutin ang mga local officials na mapatunayang magbubulsa ng pera ng gobyerno. (Daris Jose)
-
4 timbog sa baril at shabu sa Malabon, Valenzuela
Swak sa kulungan ang apat hinihinalang drug personalities matapos maaresto sa isinagawang magkahiwalay na operation ng pulisya sa Malabon at Valenzuela cities. Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Jerome Cinco, 28, Michaell Alene Sy, 29 at April Jay Praxides, 25. […]
-
DBM, nagpalabas ng mahigit sa P43B para sa Health Insurance para sa 8M senior citizen
INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman ang P42,931,355,000 para i-cover ang one-year health insurance premiums ng mga senior citizens sa buong bansa. “The Special Allotment Release Order (SARO) and its corresponding Notice of Cash Allocation (NCA) were approved by the Budget Secretary on 04 April 2023,” ayon […]
-
Pacman sa 6-hr creation process ng kanyang wax figure: ‘That’s what makes them so realistic’
MAGKAHALONG pagkalibang at pagkagulat ang naramdaman ni Senator Manny Pacquiao sa buong proseso ng paggawa sa kanyang wax figure. Pahayag ito ni Manny sa nakatakdang launching ng kanyang sariling waxwork mula sa tanyag na wax museum sa Hong Kong. Ayon sa 41-year-old fighting senator, inakala nito na matagal na ang dalawang oras pero […]