Libreng civil wedding, handog ng Navotas
- Published on February 15, 2020
- by @peoplesbalita
TATLUMPU’T anim na magsing-irog na Navoteño ang ikinasal sa libreng civil wedding na inihandog ng pamahalaang lungsod ng Navotas.
Ang Kasalang Bayan, na regular na isinasagawa tuwing Araw ng mga Puso at anibersaryo ng pagiging lungsod ng Navotas (kahapon), ay naghahangad na gawing legal ang pagsasama ng mga mag-partner.
“Karamihan sa inyo ay nagsasama na nang higit limang taon. Anuman ang sikreto n’yo para mapanatili ang inyong relasyon, ingatan n’yo. Nawa mas mapagtitibay at mas mapasasaya ng seremonyas na ito ang inyong samahan,” saad ni Mayor Toby Tiangco.
Samantala, sinabi ni Cong. John Rey Tiangco sa mga bagong kasal na may mga serbisyo at programa ang pamahalaang lungsod na makatutulong para magkaroon ng maayos na buhay ang kanilang pamilya.
“Ang pamilya ang pangunahing yunit ng lipunan. Ang matatag na mga pamilya ang bumubuo sa maayos na mga komunidad. Kaya naman binibigyang prayoridad ng ating pamahalaan ang pangangalaga sa kapakanan ng bawat pamilyang Navoteño,” aniya.
Maliban Kasalang Bayan, may iba pang mga aktibidad na isinagawa kaugnay ng pagdiriwang ng Valentine’s Day.
Kabilang dito ang pamimigay ng cookies sa mga kawani ng city hall; paghaharana sa mga opisina; speed dating at libreng dinner date para sa mga kwalipikadong kalahok; at Kalye Pag-ibig food bazaar. (Richard Mesa)
-
‘Mortal Kombat’ Reboot Drops First Red Band Trailer
THE first trailer for New Line Cinema’s Mortal Kombat reboot film is finally here, and it does not hold back in the brutality that the successful video game franchise is known for. It even opens with Sub-Zero ripping out his foe’s limbs! Watch the red band trailer below: The film stars […]
-
DepEd, ipauubaya na sa OSG ang paghahain ng kaso hinggil sa biniling ‘pricey’ laptop
IPAUUBAYA na ng Department of Education (DepEd) sa Office of the Solicitor General (OSG) ang paghahain ng kaso laban sa mga opisyal at tauhan na sangkot sa di umano’y biniling overpriced laptop. Sa isang Viber message, siniguro ni DepEd spokesperson Michael Poa na handa silang tanggapin ang official report ng Senate Blue Ribbon […]
-
PBBM, magkakaroon ng 12 o higit pang bilateral talks sa sidelines ng COP28 — DFA
TINATAYANG aabot sa 12 o higit pa ang bilateral meetings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa sidelines ng Conference of the Parties o COP28 sa Dubai, United Arab Emirates. Gayunman, sa press briefing sa Malakanyang, nilinaw ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Maria Teresa Almojuela na ang nasabing bilateral meetings ay […]