• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Libreng face mask, nais ni PDu30 na ibigay sa mga mamamayang Pinoy

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nais niyang bigyan ng pamahalaan ng libreng face mask ang mga mamamayan upang matiyak na susunod ang mga ito sa COVID-19 safety protocols.

 

“Let me explain to the people in simple terms. Iyong bakuna — it’s the mask. Eh iilang gamit lang ‘yan. But iyong iba lumang-luma eh isang buwan na ginagamit because you know they do not have money to buy. We have to provide the mask for everybody. Eh kung iyang tao walang pera mabili ng mask, how do you expect compliance from him? ani Pangulong Duterte sa kanyang public address, Lunes ng gabi.

 

Makatutulong aniya sa bagay na ito ang Department of Interior and Local Government (DILG) at ang mga kapitan ng barangay.

 

“So it’s good. I think DILG again and the barangay captains makatulong po kayo. Same, you have the same data sa mga tao kung sino ‘yong nabakunahan, sinong hindi. So para ‘yong iba nag — you know, when they buy a mask, it can be worn for so many days only. And na-ano na, the property of the VACC — of the mask is lupay-lupay na. So kung kailangan na we ask the people to comply, we also look into the possibility that they cannot buy it. So government, sa panahong ito, must provide. Kailangan talaga nila so huwag natin… ,” ayon sa Pangulo.

 

Batid din ng Pangulo na ang face mask na ginagamit ng mga ordinaryong mamamayan ay ginagamit ng ilang beses hanggang sa wala ng maging silbi ang face mask sa tunay na intensyon nito dahil puno na ng pawis.

 

“You know, when they — when they get sick, ika nga, you cannot flog o flog o flog a dead horse. Kaya at least every two days puro pawis na ‘yan at I said the properties of that mask might not be really as strong as what it is intended for,” ang pahayag ng Punong Ehekutibo. (Daris Jose)

Other News
  • MMDA nagbabala sa bagong ‘text scam’ sa traffic violation

    NAGBABALA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista kaugnay ng text message na nagpapayo sa kanila na magbayad ng multa gamit ang isang link.       “MMDA NCAP Office notice: Your traffic violation penalty bill is 3 days past due. Failure to pay will result in an fail vehicle registration,”ang nilalaman ng […]

  • DepEd ‘no comment’ sa panukalang P50k minimum salary ng entry-level teachers

    Imbis na sumang-ayon o tumutol, aantayin muna ng Department of Education (DepEd) ang pananaw ng World Bank tungkol sa isyu ng pagtataas ng sweldo ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.     ‘Yan ang pahayag ni DepEd Undersecretary Michael Poa ngayong Huwebes ilang araw matapos ihain ng Makabayan bloc ang House Bill 9920 — […]

  • Na-enjoy ang pagiging kontrabida: ANDREA, dream come true na makatrabaho sina BEA, SID at DENNIS

    KUNG hindi raw artista si Andrea Torres, malamang daw ay abogado siya or dermatologist.     “Mahilig ako talaga sa skin care products. Mahilig din ako sa mga documentary, crime docu… Actually, hindi ako natatakot sa horror. Natatakot ako kapag docu, mas doon ako parang pinagpapawisan,” sey ni Andrea.     Dahil naging artista siya kaya […]