MMDA: Pasig River ferry muling nag operate ng short trips
- Published on October 14, 2020
- by @peoplesbalita
MULING nag operasyon ang Pasig River ferry subalit short distrance trips lamang pagkatapos maalis at matangal ang ibang water hyacinths sa nasabing ilog.
Ang ferry service ay mayron short distance trips mula Pinagbuhatan sa Pasig hanggang Sta. Ana sa Manila.
Sa isang nakaraang statement, sinabi ng MMDA na hinto muna ang serbisyo hanggang wala pang notice mula sa management ng MMDA dahil ang water hyacinths ay nakabara sa daraanan ng ferry boats sa nasabing ilog na siyang naging problema upang hindi makadaan ang mga ferry boats at makapag operate ng tama.
“We used trash skimmers, boats and traps to clean up the river but they are not enough to contain the water hyacinths’ growth during the rainy season,” ayon sa MMDA.
Ang nakaraang suspension ay nangyari sa loob lamang ng isang linggo pagkatapos ang MMDA ay mag resume ng ferry service noong Sept. 28.
Noong August, ang ferry service ay binuksan din para magbigay ng serbisyo sa mga healthcare workers at government employees.
Sinuspende ng pamahalaan ang lahat ng klase ng transportasyon noong March pagkatapos magpatupad ng community quarantine ang pamahalaan upang huwag ng kumalat ang COVID-19.
Kamakailan lamang ay binigyan ng allocation ng pamahalaan ang Pasig River ferry system na nagkakahalaga ng P176 million sa 2020 General Appropriation Act upang mapabilis ang development nito.
Mayron 11 statations ang ferry service na may kahabaang 25- kilometer. Ang mga stations ay Escolta; Lawton; Polytechnic Uni- versity of the Philippines (PUP); Sta. Ana at Lambigan sa Manila; Pinabuhatan, San Joaquin, Maybunga sa Pasig City; Valenzuela at Guadalupe sa Makati; at Hulo sa Mandaluyong.
-
Pagdinig sa resulta ng Motorcycle (MC) Taxi Pilot Study, isinagawa
NAGPULONG nitong Martes ang Komite ng Transportasyon na pinamumunuan ni Antipolo City Rep. Romeo Acop upang dinggin ang resulta ng Motorcycle (MC) Taxi Pilot Study mula sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO). Isinalaysay ni Acop na nagsimula ang pag-aaral noong 2017 bilang anim na buwang programa para sa operasyon […]
-
Tim Cone inaming nahihirapang makahanap ng final 12
INAMIN ni Gilas Pilipinas coach Tim Cone na mahihirapan itong pumili ng final 12 na sasabak para sa second window ng FIBA Asia Cup.Streaming service Sinabi nito na sakaling magkakaroon ng problema dahil sa injury si Justin Brownlee ay ipapalit agad nila si Ange Kouame. Ang 6-foot-11 kasi na dating Ateneo […]
-
Sobrang busy sa work kaya wala ring time: JAKE, nakikipag-date pero ‘di nagmamadaling magka-girlfriend
SINA Jake Cuenca at Sue Ramirez ang bida sa ‘Jack and Jill Sa Diamond Hills’ na mula sa TV5, APT Entertainment at Cignal TV, napapanood sa Kapatid Network tuwing Linggo, 6 pm. Si Sue, sa tunay na buhay ay may “Jack” na, boyfriend na si Mayor Javi Benitez ng Victorias City, Negros Occidental. Si Jake ba […]