Libreng happy meal pinamigay sa mga batang Navobakunado
- Published on February 18, 2022
- by @peoplesbalita
NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng libreng Happy Meals sa mga kabataang Navoteño na 5 hanggang 11 taong gulang na nabakunahan na kontra sa COVID-19.
Ayon kay Mayor Toby Tiangco, araw-araw ang kanilang ginagawang pamimigay libreng pagkain na ito sa mga bakunadong kabataan upang maging masaya ang mga ito at hindi matakot magpabakuna.
Sa ngayon aniya, umabot na sa 3,212 na mga batang 5 hanggang 11 taong gulang ang Navobakunado na kontra Covid-19 sa lungsod.
Sabi pa niya, kung nabakunahan ang inyong anak noong nakaraang linggo, hintayin lamang po ang abiso mula sa pamahalaang lungsod kung kailan ninyo makukuha ang kanilang Happy Meal.
Muli niyang hinihikayat ang mga magulang at mga guardian na pabakunahan na ang kanilang mga anak para mabigyan sila ng proteksyon laban sa sakit.
Noong nakaraang Linggo ay personal na sinamahan ni Congressman John Rey Tiangco, kasama ang kanyang misis ang kanilang tatlong anak na edad 8, 10 at 11 sa Navotas City Hospital para magpabakuna kontra sa nakakamatay na virus.
“Alam po natin na walang pinipili ang Covid kaya panawagan ko sa mga magulang at mga guardian na pabakunahan na ang mga bata para sa kanilang proteksyon kontra sa naturang sakit at maihanda sila sa pagbubukas muli ng face to face classes,” pahayag ni Cong. JRT. (Richard Mesa)
-
‘Mission accomplished, Noy’
“Mission accomplished Noy, be happy now with Dad and Mom. We love you and we are so blessed to have had the privilege to have had you as our brother.” Ito ang mensahe ng kanyang mga kapatid nang kumpirmahin ang pagkamatay ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” S. Aquino III kahapon. “He […]
-
Ads October 3, 2023
-
Dec. 26, special (Non-Working) day sa buong bansa
IDINEKLARA ng Malakanyang na special (NON-WORKING) day sa buong bansa ang Disyembre 26, 2023, araw ng Martes. Ito ang nakasaad sa Proclamation No. 425, na ipinalabas ng Malakanyang, Disyembre 12, araw ng Martes, na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin. Sa ulat, ang araw ng Pasko, Disyembre 25 ay inoobserba bilang […]