• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Libreng-libre nang mag-celebrate ng 5th anniversary… BARBIE, proud na pinost na ka-holding hands si JAK at may caption na ‘O Aking Tahanan’

PATULOY ang pagpapakilig ng JulieVer tandem nila Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa TikTok.

 

Ang latest na pampakilig nila sa kanilang mga fans ay ang sarili nilang rendition ng Ed Sheeran song na ‘How Do You Feel’.

 

Kung hindi nga sila sumasayaw ay kumakanya sina Julie at Rayver na bentang-benta sa kanilang mga follower.

 

Sa pag-awit nila ng ‘How Do You Feel’, si Rayver ang naggigitara habang sabay silang kumakanta ni Julie. At ang hinihintay ng kanilang mga fans ay ang panakaw na pagsulyap nila sa isa’t isa.

 

Caption pa ni Rayver: “Mas maganda pala talaga tong song na toh pag may kasama…nagkita rin kami sa wakas ni Maria Clara…@Julie Anne San Jose…”

 

Sa comment section naman, sinulat ni Julie ay “Miss you…”

 

Ilang buwan din kasing hindi nagkasama ang dalawa dahil sa lock-in taping ni Julie ng top-rating GMA teleserye na ‘Maria Clara At Ibarra’. Ngayon at tapos na ang taping, ang pagkakaabalahan na ni Julie ay ang concert nila ni Rayver na ‘JulieVerse’ sa November.

 

Sure ang mga fans na hindi na nami-miss ng dalawa ang isa’t isa dahil magkasama na sila parati sa rehearsals.
At sa magiging Halloween Party ng Sparkle GMA Artist Center na The Sparkle Spell on October 23, sina Julie at Rayver din ang magka-date. Inaabangan na nga kung ano ang magiging costume ng JulieVer sa gabing iyon.

 

***

 

PINAKILIG nila Barbie Forteza at Jak Rober

 

to ang maraming netizens sa latest post nila sa social media kunsaan naka-close up ang pag-holding hands nila.
Nag-celebrate kasi ang JakBie ng kanilang relasyon na nasa ikalimang taon na. Nagsimula ang pagligaw ni Jak kay Barbie noong nagkasama sila sa teleserye na ‘Meant To Be’ noong 2017.

 

Sa Instagram, proud na pinost ni Barbie ang magkahawak na kamay nila ni Jak, na may caption na: “O Aking Tahanan.”

 

Sweet naman ang comment ni Jak sa post ni Barbie: “I love you so much.” Agad ito sinundan ni Barbie ng: “I love you! Laters, baby.”

 

Muling nagkasama sina Barbie at Jak noong matapos ang lock-in taping ng aktres para sa historical portal fantasy series na ‘Maria Clara at Ibarra’.

 

Ilang buwan din daw silang hindi nagkasama dahil sa trabaho kaya nasabik sila sa isa’t. Ngayon lang daw sila talaga puwedeng mag-celebrate ng kanilang 5th anniversary bilang magsyota dahil pareho silang libre na sa kanilang trabaho.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Crossovers swak sa finals

    Walang preno ang Chery Tiggo nang saga­saan nito ang Choco Mucho sa pamamagitan ng 25-16, 26-24, 25-23 demolisyon para umabante sa finals ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.     Nagsilbing driver si outside hitter Dindin Santiago-Manabat na siyang nasandalan ng Crossovers sa mga […]

  • ALJUR, hinamon si KYLIE na sabihin kung sino ang unang nag-cheat sa kanilang relasyon; malaking sampal kung totoong pinagtaksilan

    HOT topic ang IG post ni Aljur Abrenica kung saan sinabihan niya ang ex-wife niyang si Kylie Padilla na magsabi nang totoo kung sino ba ang talagang unang nag-cheat sa kanilang relasyon.     Mahaba ang post ni Aljur (written in English) pero ang ibang netizens ay pinagdudahan pa kung si Aljur nga ba talaga […]

  • Pagtatayo ng Bulacan Ecozone, pinigil ni Marcos

    HINDI na matutuloy ang planong pagtatayo ng special economic zone at freeport sa Bulacan matapos i-veto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang batas tungkol dito.     Ipinaliwanag ni Marcos sa sulat na ipinadala sa tanggapan ng Se­nate President na hindi niya susuportahan ang enrolled bill dahil magdadala ito ng malaking panganib sa […]