• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Libreng pera padala para sa OFWs, inilunsad

INILUNSAD  nitong Linggo ang pagsasanib ng Sendwave at GCash na bagong “fee-free money transfer apps” o “libreng pera padala” na layong  matulungan ang mga overseas Filipino workers at ang kanilang mga mahal sa buhay na pakinabangang mabuti ang ipinadadalang mga remittance.

 

 

Ayon kay Dan Santos, Sendwave Growth Manager sa Pilipinas, nakipagtambalan na sila sa mga  tradisyunal na paraan ng ‘money transfer’ gaya ng bank transfers o cash collection at maging sa mga digital wallets tulad ng GCash.

 

 

Aniya, Setyembre 2021 nang ilunsad nila ang Sendwave sa Pilipinas bilang pagtugon sa pandemyang dulot ng Covid-19 kung saan tinatayang makakatipid ang mga OFW ng $1 bilyong kada taon sa paggamit ng kanilang fee-free up.

 

 

Sinabi naman ni Julie Abalos, International Remittance Head ng GCash, na 83 percent ng adult population ng bansa ay gumagamit na nito.

 

 

Ang Sendwave ay unang inilunsad noong 2014 at napalawig sa parte ng mga bansang Africa, Asia at Latin America at ngayon ay halos isang milyong katao na ang gumagamit nito, na nakapagpadala na ng mahigit $10 bilyon sa kanilang mga pamilya at mga kaibigan.

 

 

Bilang endorser, sinabi naman ni King of Talk Show host na si Boy Abunda, agad siyang napapayag dahil nakita niya ang kahalagahan ng ‘Sendwave app’ sa mga Filipino sa iba’t ibang bansa. Aniya, malaking tulong sa OFWs ang kanilang natitipid sa bayarin sa pagpapadala ng remmittance.

 

 

Maaaring mag-download ng Sendwave app sa App Store o Google Play sino man nasa America, Canada at parte ng Europe upang madaling matanggap ng kanilang pamilya sa Pilipinas ang remittances. (Daris Jose)

Other News
  • Comeback film ni SHARON sa Viva, balitang ididirek ni DARRYL YAP, Sharonians mega-react

    MARAMING Sharonians ang clueless about Darryl Yap, na supposed to be ay magiging director daw ni Megastar Sharon Cuneta sa isang movie to be produced by Viva.     Sino po ba si Darryl Yap? Ano ba ang kanyang claim to fame? Deserve ba niya na maging director ni Ate Shawie?     Eh baka […]

  • Tennis star Osaka nakiisa sa protesta

    Tuluyan nang umatras sa paglalaro sa Western & Southern Open tennis tournament si Japanese star Naomi Osaka bilang pagpapakita ng suporta sa umano’y racial injustice sa America.   Bilang protesta, inanunsyo ng 22-anyos na tennis star ang pag-atras nito sa palaro ilang minuto matapos ang pagpasok nito sa semifinals ng palaro.   Matatandaang ilang sporting […]

  • Sindikato sa text scam, tatalupan ng PNP

    TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na hindi magtatagal at matatalupan na nila ang grupo o sindikato na nasa likod ng naglipanang text scam sa bansa.     Ang paniniyak ay ginawa ni PNP spokesperson Police Col. Jean Fajardo bilang tugon sa dumara­ming reklamo ng mga text messages mula sa hindi pa natutukoy na grupo. […]