Libreng sakay mananatili sa gitna ng welga sa transportasyon
- Published on December 1, 2023
- by @peoplesbalita
SA ISANG pahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay sinabi ng ahensiya na patuloy pa rin na manantili ang libreng sakay na binibigay ng national at lokal na pamahalaan kapag patuloy na magkakaron ng welga ang mga public utility jeepneys (PUJs) sa Metro Manila.
“The LTFRB will coordinate with concerned agencies and local government units (LGUs) as standard operating procedure during transport strike,” wika ng LTFRB.
Pinakiusapan naman ng LTFRB na huwag pigilan at gambalin ang mga drivers ng mga PUJs na gustong pumasada kahit na may welga.
“They are making a living as they need to provide for their families and wish to help and provide transport to commuters,” saad ng LTFRB.
Nagpahayag ang LTFRB ng ganitong pakiusap matapos ang isang interview na ginawa kay Manibela president Mar Valbuena na nagsabing patuloy silang maglulunsad ng protesta upang hindi sangayunan ang deadline na binigay ng LTFRB kahapon para sa consolidation sa ilalim ng PUV Modernization Program.
Nagkaroon ng welga ang dalawang grupo ng PISTON at Manibela mula noong nakaraang Nov. 20 hanggang 24 upang iprotesta ang nasabing deadline sa consolidation sa ilalim ng PUVP ng pamahalaan.
Nakipag-usap naman sa dalawang grupo ang LTFRB kung saan napagkasunduan na aalisin ang mga penalties sa mga PUV drivers at operators, palalawigin ang validity ng prangkisa hanggang limang (5) taon, at pag-aalis ng ibang provisions sa Omnibus Franchising Guidelines (OFG) sa ilalim ng PUVMP.
Subalit sinabi ng LTFRB at Department of Transportation (DOTr) na “non-negotiable” ang deadline sa consolidation ng PUVMP. LASACMAR
-
Tropang Giga paghahandaan ang makakalaban sa Finals
MAGKAIBA ang estilo ng San Miguel at Meralco na inaasahang magpapasakit ng ulo ng nagdedepensang TNT Tropang Giga pagdating sa best-of-seven championship series ng 2022 PBA Philippine Cup. Isa sa Beermen at Bolts ang lalabanan ng Tropang Giga para sa korona. “We all know the problem San Miguel presents with June […]
-
NAVOTAS NAITALA ANG MAS MABABANG KASO NG COVID-19
SA loob ng tatlong magkakasunod na linggo, muling nakapagtala ang Navotas city ng pinakamababang kaso ng COVID-19 kada araw. Ayon sa OCTA Research Group, mula 12.36 average daily attack rate (ADAR) sa April 25-May 1 at 7.2 sa May 3-9, bumulusok ang ADAR ng lungsod sa 5.99 nitong May 9-14. “We […]
-
Tiniyak ng DSWD: Suporta, nakahanda na para sa mga ‘displaced’ POGO workers
TINIYAK ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na nakahanda na ang departamento na magbigay ng tulong sa local at foreign nationals na maaapektuhan ng nalalapit na pagsasara ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) operations sa pagtatapos ng taon. “Una sa lahat, base sa aming datos, ang karamihang […]