• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Libreng sakay, rescue buses ipinakakalat sa tigil-pasada

NAKAHANDA ang pamahalaan na magbigay ng libreng sakay tulad ng mga rescue buses na ipapakalat ngayong araw sa mga lugar na apektado ng tigil-pasada ng mga jeep at UV Express.

 

 

Ito ang sinugurado ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkakaroon ng sapat na pampublikong transportasyon ang commuting public sa panahon ng planong welga ng transport group na Manibela sa Metro Manila.

 

 

Nangako ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magde-deploy ng 27 vehicular assets na kayang mag-accommodate ng 1,200 pasahero sa full capacity habang ang Philippine National Police (PNP) ay magpapadala ng 27 sasakyan mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO), 31 truck at bus mula sa pambansang punong-tanggapan nito.

 

 

Nagpapakalat din ng kanilang mga augmentation vehicle sa mga lansangan upang magbigay ng sakay sa mga apektadong commuters ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Department of National Defense (DND), Armed Forces of the Philippines (AFP), at local government units sa Metro Manila.

 

 

Tiniyak din ng LTFRB sa riding public na walang dagdag pamasahe sa mga pasaherong maaapektuhan ng isang linggong transport group strike. (Daris Jose)

Other News
  • Diaz bababa ng timbang sa 2024 Paris Olympics

    INALIS ng International Weightlifting Federation (IWF) ang women’s 55-kilogram division para sa 2024 Olympic Games sa Paris, France.     Dahil dito ay nagdesis­yon si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz na lumipat sa mas mababang 49kg. category sa kanyang pagsabak sa nasabing quadrennial event.     Sa kabila ng pagkaka­roon ng coronavirus di­sease (COVID-19) […]

  • Ads December 23, 2023

  • “Critical collaboration”, mahalaga sa Simbahan at estado

    Iginiit ng opisyal ng Radio Veritas 846 at Caritas Manila na mahalagang magtulungan ang pamahalaan at simbahan sa kabila ng pag-iral ng ‘separation of church and state’ sa Saligang Batas.   Ayon kay Rev. Fr. Anton CT Pascual, pangulo ng Radio Veritas at Executive Director ng social arm ng Archdiocese of Manila, nararapat lamang na […]