• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Libreng sakay sa MRT 3 extended hanggang June 30

Pinatagal pa ng Department of Transportation (DOTr) ang libreng sakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) ng hanggang June 30.

 

 

“The Libreng Sakay program would be extended anew until June 30 to help lessen the financial burden of commuters affected by rising prices of fuel and basic commodities,” wika ng DOTr.

 

 

Dapat sana ay sa April 30 na magtatapos ang programa sa Libreng Sakay subalit ito ay pinahaba pa hanggang May 30. Ayon sa DOTr, ang Libreng Sakay ay pinahaba pa upang itaon sa pagtatapos ng Duterte administration.

 

 

“Through the free rides, the rail line would be able to test its capacity to carry more than 350,000 passengers daily,” saad ni MRT 3 general manager at director Michael Capati.

 

 

Mayron ng 15,730,872 na pasahero ang sumakay sa MRT 3 ng libre na may average na 315,000 daily ridership ang naitala noong nakarang Martes. Wala naman naitalang breakdown ng nakaraang dalawang buwan.

 

 

Dahil sa programang Libreng Sakay ang estimated na revenue loss na naitala mula March 28 hanggang May 24 ay umaabot na sa P286 million. Habang ang one-month extension ay maaring magkaron ng forgone revenues na aabot ng P150 million hanggang P180 million.

 

 

“We will get that from our subsidy funding of P7.1 billion in the General Appropriations Act,” dagdag ni Capati.

 

 

Sinabi rin ng pamunuan ng MRT 3 na bahala na ang susunod na administration kung itutuloy pa nila ang nasabing programa.

 

 

Maala natin na nagkaron ng inagurasyon noong nakaraang Marso ang rehabilitated na MRT 3 matapos ang nakalipas na dalawang (2) taon kung kaya’t inaasahan na ang mga unloading na pangyayari sa MRT 3 ay hindi na magaganap na muli.

 

 

Kasama si President Duterte sa inagurasyon kung saan siya ang nagpahayag na magkakaron ng libreng sakay sa MRT 3.

 

 

“The train’s system would not have returned to its original high-grade design without the technical competences and professional aid of service providers from Sumitomo Corp., Mitsubishi Heavy Industries and Test Philippines Inc. I also lauded the DOTr under Secretary Tugade for its efforts to improve the MRT 3 services to the public. The MRT is proof that we are keeping our momentum in improving our national road system, which aims to deliver quality service to the Filipinos and respond to the emergency of a new normal,” wika ni Duterte.

 

 

Ayon kay Tugade makakatulong rin ang pagbibigay ng libreng sakay upang mabawasan ang financial burden ng mga mamamayan dahil na rin sa mataas na presyo ng krudo at gasoline sa gitna rin ng tumataas na inflation rate sa ating ekonomiya.

 

 

Ang rehabilitation ay binigyan ng pondo mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA) na sinimulan noong 2019.

 

 

Sumailalim ang MRT 3 sa comprehensive upgrade kasama na dito ang restoration ng 72 light rail vehicles, replacement ng rail tracks at rehabilitation ng power supply, overhead catenary system, communications at signaling system, at ang rehabilitation din ng mga estasyon at pasilidad ng depot.

 

 

Tumaas na rin ang operating speed ng MRT3 mula sa dating 25 kph at ngayon ay 60 kilometers per hour na. Sa ngayon ay may 23 ng operational trains mula sa dating 13 trains.

 

 

Ang headway o waiting time sa pagitan ng mga trains ay nabawasan din mula 10 minutes na ngayon ay 3.5 minutes na lamang. Umikli na rin ang travel time mula sa estasyon ng North Avenue papuntang estasyon ng Taft kung saan ito ay 45 minutes na lamang kumpara sa dating 1 hour at 15 minutes.

 

 

Sa ngayon ay umaabot na sa 280,000 pasahero ang naitalang sumakay sa MRT 3 kumpara sa dating 260,000 na pasahero bago pa ang pandemya. May 600,000 kada araw naman ang target ng DOTr na sasakay ng MRT 3 sa darating na panahon. LASACMAR

Other News
  • Olympic bronze medalist Eumir Marcial at longtime girlfriend ikinasal na

    Ikinasal na ang Filipino boxer at Olympic bronze medalist Eumir Marcial sa kaniyang longtime girlfriend na si Princess Galarpe.     Dumalo sa beach wedding ang kapwa nitong olympian na sina Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Hidilyn Diaz.     Pinamunuan naman ni Philippine Olympic Committee at Cavite Rep. Bambol Tolentino ang pag-iisang dibdib ng […]

  • CHED, pansamantalang sinuspinde ang scholarship application para sa incoming freshmen

    PANSAMANTALANG sinuspinde ng Commission on Higher Education (CHED) ang aplikasyon sa CHED Scholarship Program (CSP) para sa incoming first-year college students para sa Academic Year (AY) 2022-2023.     Sa advisory ng CHED na pinost nito sa kanilang social media accounts, ang suspensyon ay “offshoot of budget inadequacy” sa Fiscal Year (SY) 2022 budget ng […]

  • PDu30, inaprubahan ang pagpapalawig ng 2 pang linggo ng travel ban laban sa UK

    INAPRUBAHAN noong Disyembre 26 ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekumendasyon ni Presidential Spokesperson Harry Roque, Jr. na palawigin ng dalawa pang linggo ang travel ban laban sa United Kingdom (UK) pagkatapos ng Disyembre 31, 2020. Inaprubahan din ng Pangulo ang rekumendasyon ng Department of Health (DOH) para sa “strict mandatory 14-day quarantine” para sa […]