• February 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Libreng sakay sa MRT, posibleng mapalawig

MAGANDANG balita para sa mga commuters.

 

 

Posible umanong mapalawig pa ang implementasyon ng libreng sakay  na ipinagkakaloob ngayon ng Department of Transportation (DOTr) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa kanilang mga pasahero.

 

 

Ayon kay MRT-3 OIC-general manager Mike Capati, pinag-aaralan na ng DOTr at ng MRT-3 management kung magpapatupad sila ng ekstensiyon sa lib­reng sakay na sinimulang ipatupad noong Marso 28 at nakatakdang magtapos sa Abril 30, alinsunod na rin sa kautusan ni Pang. Rodrigo Duterte at Transportation Secretary Arthur Tugade.

 

 

Una nang iniulat ng MRT-3 na naging matagumpay ang unang araw ng pagpapatupad nila ng ­libreng sakay matapos na mapagserbisyuhan ang kabuuang 281,507 pasahero noong Lunes.

 

 

Sinabi pa ni Capati na inaasahan nilang posibleng umabot ng mula 300,000 hanggang 400,000 ang mga pasahero kada araw ng MRT-3 habang umiiral ang kanilang libreng sakay.

 

 

Plano rin aniya ng MRT-3 na pagsapit ng taong 2023, ilipat na ang configuration ng four-car trains at alisin na ang mga three-car trains upang mas marami pa silang pasahero na maisakay.

 

 

Ang MRT-3 ay bumabaybay sa kahabaan ng EDSA mula North Avenue, Quezon City hanggang sa Taft Avenue, Quezon City. (Gene Adsuara)

Other News
  • Sa part two ng BL series na ‘Hello Stranger’: Team-up nina TONY at JC, gustong gawing mala-Popoy at Basha

    MAY plano raw ang Black Sheep Productions na igawa ng part two ng BL Series na Hello Stranger na pinagbidahan nina Tony Labrusca at JC Alcantara.     Pero ang gusto raw ng Black Sheep na ang maging peg ng return team-up nina Tony at JC ay mala-Popoy at Basha nina John Lloyd Cruz at […]

  • ‘House-to-house’ visits vs COVID-19 case ipatutupad

    Posibleng magpatupad ang gobyerno ng “house to house” visits kung kinakailangan para madala agad sa isolation facilities ang mga COVID-19 patients.     Sinabi ni National Task Force (NTF) against COVID-19 spokesman Retired Maj. Gen. Restituto Padilla na nga­yong nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ang National Capital Region (NCR), Cavite, Bulacan, Laguna at […]

  • ANG SIKRETO NG BUMABALONG NA PERA, IBUBUNYAG!

    Sino nga ba sa atin ang hindi may gusto na magkaroon ng unlimited cash?   Ngunit, ano nga ba ang susi para bumalong ang kuwarta sa iyo?   Magtrabaho ka at i-manage mong mabuti ang pera mo. Huwag waldas. Pero maliban rito, may ilang llife hacks akong ituturo kung paano hindi mawawalan ng laman ang […]