• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Libreng swab testing kaloob ng Quezon City LGU sa bar examinees

MAGKAKALOOB ang ­Quezon City government  ng  libreng swab testing sa 756 examinees at 350 personnel at volunteers sa isasagawang  bar examination ngayong Linggo .

 

 

Ayon kay Mayor Joy ­Belmonte ang hakbang ay bilang pagtiyak na ang  mga examinees at iba pang kakasangkapanin sa isasagawang eksaminasyon ay ligtas mula sa exposure at hindi pagmulan ng hawaan ng COVID-19 .

 

 

“We have been closely coordinating with the Supreme Court as well as administrators from the University of the Phi­lippines, since the University has been selected as one of the testing sites. We share the same goal with them and that is to ensure the safety of the examinees and the success of the examinations on February 4 and 6,” pahayag ni  Belmonte.

 

 

Sa ilalim ng kasunduan, ang Supreme Court ang magkakaloob ng  test kits habang ang Quezon City Epidemio­logy and Disease Surveillance Unit (QCESU) ang magsasagawa ng rapid antigen testing  sa mahigit na  1,100 indibidwal .

 

 

Naglaan ang QCESU ng  20 health personnel para sa testing activities kahapon sa bar examinees  at ngayong araw (Peb. 3) para sa mga tauhan at volunteers na gagawin sa UP College of Human Kinetics Gymnasium.

 

 

Ang sinumang magpositibo sa eksamin ay irerefer  para mag  home quarantine o sa alinmang  HOPE Community Care facilities ng lungsod. Ang ibang departamento ng QC LGU ay tutulong din para umalalay sa swab testing sa  bar examinations.

 

 

Ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRMMO) at ­Quezon City Fire District (QCFD) ay naglagay ng tents sa UP Campus at naka standby  para tumugon sa anumang  emergency.

 

 

Ang  QC Task Force for Transport and Traffic Ma­nagement (QCTFTTM) ay mangangasiwa naman sa maayos na daloy ng trapiko papuntang bisinidad ng campus. (Daris Jose)

Other News
  • UFC champion Conor McGregor tanggal na unang puwesto ng Forbes highest-paid athletes

    NATANGGAL na sa unang puwesto bilang highest paid athlete ng Forbes si UFC-two division world champion Conor McGregor.     Base sa pinakahuling listahan ng Forbes nasa pang-35 na puwesto na ito ngayon na mayroong kita na $43 milyon.     Noong nakaraang taon kasi ay nangunguna siya na mayroong $180 milyon na kinita ng […]

  • Angkas, JoyRide binigyan ng PA

    Ang motorcycle taxi ride-hailing services na Angkas at JoyRide ay binigyan ng provisional authority ng motorcycle taxi technical working group (TWG) upang pansamatalang magkaron ng operasyon  sa Metro Manila.   Bawat isang kumpanya ay binigyan ng PA upang magkaron ng operasyon mula Nov. 24 hanggang Dec. 9 ng TWG “pending confirmation of compliance and to […]

  • GET YOUR TICKETS TO “WONKA” NOW! PLUS, CHECK OUT A GUIDE TO THE SWEET TREATS IN THE MOVIE

    GET ready to enter a world of pure imagination – “Wonka” movie tickets are now available! Book your tickets now at https://www.wonka.com.ph/.        “Wonka,” starring Timothée Chalamet as the beloved chocolate maker, will be shown in IMAX as well. The movie, directed by Paul King and also starring Hugh Grant, Rowan Atkinson, Olivia Colman, […]