Libu-libong LLN at Mother Leader, tumanggap ng subsidiya mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan
- Published on July 23, 2022
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – Upang higit na mapahusay ang mga serbisyo at mapataas ang kanilang moral, 4,166 na Mother Leaders (ML) at 636 na Lingkod Lingap sa Nayon (LLN) ang nabigyan ng tig P3,200 at P4,000 na tulong salapi sa isinagawang dalawang araw na programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na tinawag na ‘Distribution of Allowance to Mother Leaders and Lingkod Lingap sa Nayon’.
Sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office, may kabuuang 1,275 MLs at 169 LLNs mula sa Unang Distrito at 1,061 MLs at 170 LLNs mula sa Ikatlong Distrito ang tumanggap ng kanilang cash incentives noong Lunes, Hulyo 11 sa Bulacan Sports Complex, Brgy. Sta. Isabel dito habang 868 MLs at 152 LLNs mula sa Ikalawang Distrito at 962 MLs at 145 LLNs mula sa Ikaapat na Distrito naman ang tumanggap noong Biyernes sa Bulacan Capitol Gymnasium.
Samantala, sinabi naman ni Gob. Daniel R. Fernando na nakasandal ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa mga ML at LLN sa pagtitiyak na matatanggap ng mga ordinaryong tao ang tulong ng pamahalaan at pati na rin ang pagbibigay kaalaman tungkol sa mahahalagang anunsyo.
“Mahalaga ang gampanin ng ating mga Mother Leaders at Lingkod Lingap sa Nayon; sila ang kumakatawang ina sa ating mga komunidad na kumakalinga at nangangalaga sa ating mga kalalawigan, lalo na iyong mga nangangailangan. Sila ang katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at umaasa kami sa inyong mabuting serbisyo upang lalong mapabuti ang ating lalawigan. Asahan ninyo na patuloy rin ang suporta sa inyo ng pamahalaan kapalit ng inyong walang katumbas na pagmamahal sa ating kapwa,” anang gobernador.
Regular na ibinibigay ang tulong pinansiyal para sa mga ML at LLN kada quarter.
Isinagawa ang quarterly meeting kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon kung saan tinalakay din ng PSWDO ang mga direktiba ng gobernador hinggil sa pag-iwas at pagkontrol sa dengue at ang mga tulong na maibibigay ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga ML at LLN.
-
Kouame naka-focus ngayon sa pagsali sa 2023 FIBA World Cup
Tiniyak ni Gilas Pilipinas program director Tab Baldwin na maglalaro sa national team si Ange Kouame. Ito ay matapos ang ilang buwan nang aprubahan ang kaniyang naturalization. Sinabi ni Baldwin na nagkaroon na sila ng pag-uusap ng adviser ng Ateneo de Manila player na si Arben Santos na makakasama ng Gilas […]
-
Pag-IBIG Fund net income, pumalo sa ₱38.06B record-high nitong Oktubre 2022
NAKAPAGTALA ang Pag-IBIG Fund ng record-high net income na ₱38.06 bilyong piso mula Enero hanggang Oktubre 2022. Sa isang kalatas, sinabi ng Pag-IBIG Fund na nakapagtala ito ng bagong record net income kung saan nalampasan ang ₱34.73 bilyon na nakuha noong taong 2021. Ang record-high ay 39% increase kumpara sa kahalintulad […]
-
Drug stores dinadagsa, paracetamol nauubos
Patuloy na dinadagsa ng publiko ang mga drugstores sa bansa na nagresulta ngayon ng pagkaubos ng paracetamol at iba pang gamot para sa lagnat, trangkaso, ubo at sipon na nauuso ngayong Enero. Sa kabila nito, sinabi ng Department of Health (DOH) na walang nagaganap na kakapusan sa suplay ng paracetamol at iba pang […]