• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Libu-libong pamilya mula sa iba’t ibang lugar sa bansa, inilikas dahil sa pananalasa ni bagyong Pepito

TINATAYANG nasa 5,000 pamilya ang inilikas sa ilang bahagi ng bansa dahil sa sama ng panahon na nararanasan dulot ng bagyong Pepito.

 

Sa Laging Handa public press briefing ay sinabi ni NDRRMC Asec Casiano Monilla na malaking bahagi ng mga inilikas ay mula sa Region 4a partikular sa Quezon province kung saan nasa 4,790 pamilya ang apektado mula sa 64 na mga brgy.

 

Nananatili din sa iba’t ibang evacuation centers ang nasa 184 na pamilya o 645 na katao mula sa Region 2.

 

Ayon pa kay Asec Monilla may ilang kalsada at tulay ang nananatiling unpassable hanggang sa mga oras na ito dahil sa taas ng baha tulad ng Cabagan, Sta. Maria road.

 

Nagkaroon din aniya ng paglikas sa Pampanga habang sa Cagayan ay inilikas ang 171 pamilya, 168 na pamilya din ang inevacuate sa Isabela at 3 pamilya sa Quirino.

 

Aniya, sinusunod ang health safety protocols sa mga evacuation center upang matiyak na hindi kakalat ang covid 19.

 

Samantala, wala naman aniyang casualties ang bagyong Pepito pero, pinayuhan nito ang publiko na mag ingat parin dahil sa pagtaya ng Pagasa ay nasa 5 hanggang 8 bagyo pa ang papasok sa bansa bago matapos ang taon kung saan 1 o 2 dito ay sadyang mapaminsala.

Other News
  • Libreng Sakay 24/7 operations sa EDSA Busway magsimula sa Dec. 1

    INANUNSYO  ng Department of Transportation (DOTr) na ang 24/7 na operasyon para sa libreng sakay sa EDSA Busway ay magsisimula sa Disyembre 1, 2022.     Sa una, ang 24/7 na operasyon ng Libreng Sakay ay naka-iskedyul noong Disyembre 15.     Sa isang pahayag, sinabi ng DOTr na inatasan ni Sec Jaime Bautista ang […]

  • Latest vlog ni BEA, pinuri at pinusuan ng netizens dahil kay JESSICA; bagay na bigyan ng talk show o morning show

    PINUSUAN ng netizens ang latest vlog ni Bea Alonzo na kung saan pinaunlakan siya ni Ms. Jessica Soho na mag-guest sa kanyang YouTube channel.     May titutlo ito na: JAMMING WITH MS. JESSICA SOHO (QUICK AND EASY MANGO JAM RECIPE).     Na may caption na, “Back with our weekly Saturday vlog! For this […]

  • Naglabas na ng ‘Official Statement’: ARJO, nag-positive kaya isinugod agad sa hospital dahil sa pre-existing medical condition

    NAGLABAS na ng Official Statement ang Feelmaking Productions Inc. tungkol sa isyung kinasasangkutan ngayon ni Arjo Atayde na nag-positive sa COVID-19 habang tinatapos ang bago niyang pelikula sa Baguio City.     Sa pinadala na official statement ng Head of Production ng new film outfit na si Ellen Criste binigyan linaw nila ang kumalat na balita.   […]