Lider ng ‘organ for sale’, hindi head nurse ng NKTI
- Published on July 20, 2024
- by @peoplesbalita
NILINAW ng pamunuan ng National Kidney Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City na hindi nila head nurse ang sinasabing lider ng “organ for sale” syndicate na tinutugis ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos ang isinagawang raid sa San Jose del Monte City, Bulacan.
Ayon kay Dr Rose Marie Rosete- Liquete, executive director ng NKTI na may iniimbestigahan silang nurse sa kanilang ospital pero itinatanggi nito na may kinalaman siya sa modus ng nasabing sindikato.
“Sa amin sa NKTI, itong empleyado namin ay hindi naman siya head nurse. Nurse nga siya rito sa NKTI pero inimbestigahan na namin siya siyempre, nagde-deny siya,” sabi ni Liquete.
Sinabi ni Liquete na ang nasabing nurse ay hindi nakatalaga sa unit na may direct access sa mga pasyente. Wala rin aniyang mga tauhan ng NBI ang nagtutungo sa kanila para imbestigahan ang nurse at iba nilang medical staff.
Binigyang diin pa ni Liquete na wala ring nagaganap na kidney transplant sa NKTI na hindi dumaraan sa tamang proseso. Ang pagdo-donate aniya ng kidney ay hindi madali ang proseso at ang pagtatakda ng transplant ay hindi biglaan dahil daraan pa sa work-up ang donor at pasyente.
Una nang nahuli ng NBI ang tatlong sangkot sa organ for sale sa Bulacan at 9 katao naman na-rescue sa pagsalakay habang sinabing tinutugis pa nila ang isang head nurse ng isang ospital na nagsisilbing lider ng live trafficking. (Daris Jose)
-
CICC sa mga na-scam: ‘Huwag magreklamo sa social media’
HUWAG magreklamo sa social media dahil wala itong maitutulong sa sinumang biktima ng scam. Ito naman ang binigyan diin ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) bunsod ng pagpo-post ng ilang biktima ng scam sa social media. Ayon kay CICC executive director Alexander Ramos, maaring makipag-ugnayan o tumawag sa kanila ang […]
-
PBBM, namahagi ng bigas sa mga benepisaryo ng 4Ps sa Maynila
BILANG bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na makapagbigay ng sapat na suplay ng bigas sa bawat filipino, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pamamahagi ng parte ng nakumpiskang smuggled rice sa 1,000 residente sa San Andres, Manila, araw ng Martes. “Bilang patunay na ang pamahalaan ay seryoso sa pagsugpo ng smuggling – […]
-
Matapos sabihan ni dating DFA Sec. del Rosario na traydor si Pangulong Duterte: Sec. Roque bumuwelta, ikaw iyon!
IKAW iyon. Ito ang buweltang tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa akusasyon ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario na “traydor” si Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil di umano’y may impluwensiya ang bansang China sa 2016 Philippine elections para siguraduhing maupo ang Chief Executive bilang halal na Pangulo ng bansa. Kapansin-pansin […]