• April 5, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Lifetime ban’ sa Comelec gun ban violator plano ng PNP

TAHASANGsinabi ni Philippine National Police (PNP) chief PGen. Rommel Francisco  Marbil na  pinag-aaralan na nila ang   pagpapatupad ng  ‘lifetime  ban’ sa mga lumabag sa Commission on Elections (COMELEC) gun ban.
Sa pagtungo ni Marbil sa  Antipolo  City Police Station, sinabi nito na inaaral na umano nila ang batas at nakatakda silang makipag-usap sa mga abogado para sa legalidad ng ilalabas na kautusan.
Ayon kay Marbil, sa pagpapatupad ng “lifetime ban” wala silang sasantuhin o sisinuhin. Nangangahulugan lamang na sasakupin nito ang kautusan basta’t lalabag sa COMELEC gun ban.
Samantala, binigyan ng medalya ng kaga­lingan ni Marbil ang 8 pulis sa Antipolo na mabilis na rumes­ponde sa naganap na road rage.
Kinilala ang mga ito na sina PLt. Orlando Santos Jalmasco; PCMS. Rannel Delos Santos Cruz; PCp|. Kaveen-John Rubia Vea; PCp|. Joeban Acosta Abendaño; PCpl. Niño Cipriano Chavez; Pat. Reylan Rivarez De Chavez ; Pat. Michael Keith Lalican Panganiban at Pat. John Mark Bacli Manahan. ( Daris Jose)
Other News
  • NDRRMC todo paghahanda na rin vs ‘Siony’: Mining, tourism, quarrying activities tigil muna

    NAGHAHANDA na ngayon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bilang paghahanda sa bagyong Siony sa kabila ng nagpapatuloy na disaster response sa bagyong Rolly.   Una nang pinulong ng Council ang mga regional DRRMCs para talakayin ang on-going preparation sa severe tropical storm Siony.   Kabilang sa tinalakay sa pulong ay ang […]

  • 4 most wanted persons arestado sa Valenzuela

    Apat na most wanted persons ang arestado sa loob lamang ng  24-oras na operation ng pulisya sa magkakahiwalay na lugar sa Valenzuela City.     Ayon kay Valenzuela City Police Warrant and Subpoena Section (WSS) chief PLT Robin D Santos, ang apat na naarestong mga suspek ay kabilang sa list ng 10 Top Most Wanted […]

  • PDu30 kay Robredo sa isyu ng VFA: Wala ka sigurong alam!

    “WALA ka sigurong alam!”   Ito ang buweltang tugon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte makaraang ihalintulad ni Vice-President Leni Robredo sa pangingikil ang paghingi niya (Pangulong Duterte) ng bayad mula sa US para sa pagpapatuloy ng mga aktibidad sa ilalim ng Visiting Forces Agreement (VFA).   Sinabi kasi ni Robredo na parang gawain lamang ito […]