• September 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NDRRMC todo paghahanda na rin vs ‘Siony’: Mining, tourism, quarrying activities tigil muna

NAGHAHANDA na ngayon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bilang paghahanda sa bagyong Siony sa kabila ng nagpapatuloy na disaster response sa bagyong Rolly.

 

Una nang pinulong ng Council ang mga regional DRRMCs para talakayin ang on-going preparation sa severe tropical storm Siony.

 

Kabilang sa tinalakay sa pulong ay ang pagpapatupad ng pre-emptive evacuation sa mga lugar na highly susceptible sa storm surge, floods at landslides; dissemination of warnings sa mga lugar na maaapektuhan; prepositioning of food, non-food items at mga gamot sa ibat ibang strategic locations, activation ng medical teams mula sa DOH para sa posibleng deployment.

 

Naglabas din ang NDRRMC ng direktiba sa mga RDRRMC mem- ber agencies at LDRRMCs para itigil muna ang mining activities, tourism activities, at quarrying.

 

Iniulat naman ng Cordillera RDRRMC, na nagsagawa na sila ng pre-emptive evacuation sa mga flood and landslide prone areas sa probinsiya ng Apayao, Kalinga at Benguet.

 

Samantala, nagpulong na rin ang NDRRMC na pinangunahan ni DSWD Asec Encabo.

 

Dumalo rito ang UN Humanitarian Country Team kung saan pinag-usapan ang paghahanda sa pagsasagawa ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) mission sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng supertyphoon Rolly.

Other News
  • ‘Bayaran niyo ang pinsala dahil sa climate change’

    TINULIGSA ni Presidente Rodrigo Duterte ang mayayamang mga bansa na siyang dapat magbayad sa mga dinaranas ng developing nations tulad ng Pilipinas sa epekto ng climate change.     Ginawa ng pangulo ang pahayag sa kanyang lingguhang Talk to the People at matapos ang pagbisita niya sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Agaton.   […]

  • AIRLINES PINAALALAHANAN, TANGING DOKUMENTADONG PASAHERO ANG ISASAKAY

    NAGPAALALA si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente sa mga airlines na siguraduhin na tanging mga karapat-dapat na mga dayuhan ang papayagang sumakay sa kanila patungo sa Pilipinas     Sinabi ni Morente na responsibilidad ng isang airlines na siguraduhin na ang mga karapat-dapat na mga dayuhan lamang   ang pasasakayin at makapasok sa bansa […]

  • Pinatitigil ni Angelica dahil ayaw mainggit: ANNE, kakaiba magpasabog ng kagandahan at nananatiling ‘Diosa’

    IBA talaga magpasabog ng kagandahan si Anne Curtis na kung saan marami talaga ang nag-init na kalalakihan at napa-wow ang followers niya.     Makikita sa kanyang IG post ang series of photos na halos lumuwa na ang kanyang boobey.     Nilagyan ito ni Anne na caption, “Iconic runway piece in time for the […]