• October 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lilo at Koa, tumutulong na sa mga gawaing bahay: ANDI, pinuri ng netizens sa pagpapalaki nila ni PHILMAR sa mga anak

TAPOS nang gawin ng premyadong aktres Gladys Reyes ang pelikang ‘And The Breadwinner Is’.

 

Ito ay entry ng Star Cinema at Idea First para sa Metro Manila Film Festival sa taong ito.

 

Happy si Gladys dahil tiyak makakasama siya sa parade of stars sa MMFF na ngayon pa lang ay hinuhulaan na maging top grosser sa film fest.

 

Siyempre riot ang movie na kung saan bida si Vice Ganda kasama sina Gladys, Jhong Hilario, Eugene Domingo, Maris Racal and Kokoy De Santos, directed by Jun Lana.

 

Ang saya-saya raw nilang lahat sa set.

 

“Sobrang ok, walang katapusang kwentuhan at tawanan sa set, kain ng kain. Kapag di pa kami kinukunan, pupuntahan kami ni Vice sa tent,” sey pa ni Gladys.

 

Bukod sa ‘And The Breadwinner Is’ ay patapos na rin si Gladys ang movie sa Netflix, ‘One Hit Wonder’ with Sue Ramirez amd Khalil Ramos.

 

“Nag-e-enjoy rin ako ngayon na mag-judge sa Showtime uli for Kalokalike,” dagdag pa ni Gladys.

 

Samantala, ang asawang si Christopher Roxas ay super busy naman sa bagong branch ng kanilang negosyong “Thats Diner” sa Sta. Lucia Mall.

 

Musta naman ang tinaguriang Hulahoop Queen na si Mommy Zeny?

 

“Well si Mama ko ok naman, mukha pa rin sya bata dahil sa hulla hoop, “ napatawa pang banggit ni Ms. Gladys Reyes.

 

**”

 

UMANI ng magagandang reaksiyon mula sa netizens ang reel at post ni Andi Eigenmann tungkol sa mga anak niya.

 

Pinuri ng netizens sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo sa pagpapalaki sa mga anak nilang sina Lilo at Koa na tumutulong na sa mga gawaing bahay.

 

Ang daming likers sa naturang post ni Andi na ipinakitang nagpapakain ng mga alaga nilang manok ang magkapatid.

 

Si Koa, may bitbit na balde na ang laman ay pagkain ng manok .

 

Ayon kay Andi, isa sa favorite na gawin ni Koa every morning ay magpakain ng mga manok kasama ang papa niya.

 

Napansin din ng netizens na nakapaa lang at walang suot sa paa si Lilo.

 

Ang concern ng isang netizen, wala raw slippers ang bata.

 

Ang worry kasi nila Baka makaapak ng kung anong pwedeng maaring makasugat sa bata.

 

Pero wala na tayong paki alam doon dahil buhay nila Andi ‘yun. Alam na nila ang gagawin sa mga anak nila.

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Marcial ingat na magkasakit

    DESIDIDONG makasungkit ni Eumir Felix Marcial ng unang ng gold medal ng Pilipinas sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong lang sa parating na Hulyo 23-Agosto 8 sanhi ng pandemya.     Kaya triple ang pag-iingat niyang ginagawa upang mapanatiling mabuti ang kalusugan at hindi maudlot ang paghahanda sa nasabing pinakamalaking paligsahan […]

  • Dahil sa mga kwestiyunableng paggastos ng OVP at DepEd… VP Sara iginiit target ng Kamara i-impeach siya

    NANINIWALA si Vice President Sara Duterte na target talaga ng House of Representatives (HOR) na siya ay i-impeach batay na rin sa naging privilege speech ni Manila Rep. Rolando Valeriano dahil may nakitang kamalian.   Sa panayam kay VP Sara kanyang sinabi na ang ginagawa ngayong pagdinig ng House Committee on Good Government and Public […]

  • DOTr, SM Group nag ground-breaking ng EDSa busway concourse

    Nagkaron ng ground-breaking ceremony noong May 18 ang pagtatayo ng EDSA busway concourse sa pangunguna ng Department of Transportation (DOTr) kasama ang SM Group na ilalagay sa pinakaabalang langsangan sa Metro Manila.     Sa pamamagitan ng EDSA busway concourse makakamit at matitikman ng publiko ang pagbabago sa EDSA gamit ang concourse. Mas magiging ligtas […]