Lim pinababayan ng mga magulang na dumiskarte
- Published on September 10, 2020
- by @peoplesbalita
MASKI mga matatagumpay at tanyag ang mga magulang, nagsasariling diskarte si Karate Sports Pilipinas Federation, Inc. (KSPFI) star Jamie Kristine Lim para masundan ang mga yapak ng ama’t ina.
Solong supling ang ang 23-taong, may may taas 5-4 at ipinanganak sa Maynila na karateka ,nina Philippine Basketball Association (PBA) legend Avelino ‘Samboy’ Lim Jr. at abogadang dating Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Darlene Berberabe.
Kuwento ng dalaga: “My parents, both parents, are very supportive and they actually never pressured me to be as amazing as they are.”
Naka-gold medal siya sa 30th Southeast Games PH 2019 nitong Disyembre pagsunod sa kakulay na medalyang mga natamo rin ng tatay niya sa 1985 International basketball Federation (FIBA) Asia Chammpionship for Men sa Kuala Lumpur at sa 1984 FIBA Asia Champions Cup sa Malaysia rin.
Dinagdag nang nakababatang Lim, “They just love me and what was important to them was for me to do my best in everything I do.”
Tapos ang karatista ng Summa Cum Laude sa BS Mathematics sa University of the Philippines-Diliman noon lang isang taon. Pinarehasan ang naabot na karangalan ng ina sa nasabi ring pamantasa.
At pinangwakas na pahayag nang naghahjabol mag-qualify sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, na siya ang nakakaramdam ng presyur dahil sa sobrang pag-idolo sa kanyang mga magulang.
“They’re the best for me, they’re the best in their field, they’re still very down to earth and kind-hearted and I just aspire to be like them that’s why I really wanna be like them.” (REC)
-
Random drug testing sa PNP palalawigin
Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas na palalawigin ang random drug testing sa lahat ng tauhan upang malaman kung sino ang gumagamit nito. Ang paniniyak ay ginawa ni Sinas matapos na magpositibo sa si Cpl. John Rey Ibasco ng Regional Logistics and Research Development Division 13 (RLRDD-13). Mula noong […]
-
ALDEN, totropahin muna tapos jojowain ni JESSY; LUIS, tumatanaw ng utang na loob
SA ‘jojowain’ o ‘totropahin’ challenge ng engaged couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola, para sa kanila si Kapuso actor Alden Richards ay pwedeng “jojowain” o “totropahin” na pinost nila sa YouTube vlog ni Jessy. Hindi pa pala nami-meet nang personal ni Jessy si Alden, pero tingin daw niya ay boyfriend-material ang […]
-
SSS tumatanggap na ng aplikasyon sa online para sa unemployment benefits
Good news para sa mga miyembro ng Social Security System (SSS) na nawalan ng trabaho dahil sa krisis dala ng COVID-19 pandemic. Binuksan na ngayon ng SSS ang pagtanggap sa aplikasyon online para sa unemployment benefit. Ayon kay SSS president at Chief Executive Officer Aurora Ignacio, maaaring mag-qualify para sa unemployment benefits ang […]