• May 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lim pinababayan ng mga magulang na dumiskarte

MASKI  mga matatagumpay at tanyag ang mga magulang, nagsasariling diskarte si Karate Sports Pilipinas Federation, Inc. (KSPFI) star Jamie Kristine Lim para masundan ang mga yapak ng ama’t ina.

 

 

Solong supling ang ang 23-taong, may may taas 5-4 at ipinanganak sa Maynila na karateka ,nina Philippine Basketball Association (PBA) legend Avelino ‘Samboy’ Lim Jr. at abogadang dating Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Darlene Berberabe.

 

 

Kuwento ng dalaga: “My parents, both parents, are very supportive and they actually never pressured me to be as amazing as they are.”

 

 

Naka-gold medal siya sa 30th Southeast Games PH 2019 nitong Disyembre pagsunod sa kakulay na medalyang mga natamo rin ng tatay niya sa 1985 International basketball Federation (FIBA) Asia Chammpionship for Men sa Kuala Lumpur at sa 1984 FIBA Asia Champions Cup sa Malaysia rin.

 

 

Dinagdag nang nakababatang Lim, “They just love me and what was important to them was for me to do my best in everything I do.”

 

 

Tapos ang karatista ng Summa Cum Laude sa BS Mathematics  sa University of the Philippines-Diliman noon lang isang taon. Pinarehasan ang naabot na karangalan ng ina sa nasabi ring pamantasa.

 

 

At pinangwakas na pahayag nang naghahjabol mag-qualify sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, na siya ang nakakaramdam ng presyur dahil sa sobrang pag-idolo sa kanyang mga magulang.

 

 

“They’re the best for me, they’re the best in their field, they’re still very down to earth and kind-hearted and I just aspire to be like them that’s why I really wanna be like them.” (REC)

Other News
  • Caloocan-Manila connector, bukas na sa motorista, toll libre pa

    BINUKASAN na nitong Miyerkules ng hatnggabi ang 5-ki­lometrong NLEX connector na magdudugtong sa Caloocan at Maynila.     Wala pang sisingiling toll ang NLEX sa mga motorista para maranasan muna ng mga motorista ang kaginhawaan sa paggamit nito.     Magugunitang una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na layon nitong gawing 5 minuto […]

  • DOH sa publiko: Huwag magpapabakuna sa mga ‘illegal vaccination sites’

    Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko kasunod ng mga ulat na may ilang grupo ang nagsasagawa ng hindi otorisadong pagbabakuna laban sa COVID-19, sa mga hindi rin opisyal na vaccination site.     Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, delikadong magpabakuna sa mga hindi opisyal na vaccination site dahil walang katiyakan na […]

  • French tennis player Benoit Paire, tinanggal sa US Open matapos magpositibo sa COVID-19

    Tinanggal sa listahan ng US Open player si Benoit Paire ng France matapos na ito ay magpositibo sa COVID-19.   Nakatakda sana nitong makaharap si Kamil Majchrzak ng Poland sa first round ng nasabing tennis tournament.   Dahil sa ito ay papalitan siya ni Marcel Granollers ng Spain.   Base sa natanggap na impormasyon ng […]