• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Limited face to face classes aprubado na ni PDU30

INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagsasagawa ng pilot face to face classes.

 

Sa regular press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque ay inanunsiyo ni DEPED secretary Leonor Briones ang gagawing pagsisimula ng face to face classess.

 

Limitado lamang muna ito sa 100 paaralan.

 

Base sa guidelines , maisasagawa lamang ang pilot face to face kung papasa sa safety assessment ng DEPED ang area kung saan gagawin ang klase.

 

Kailangan din ainiya na may pahintulot mula sa LGU habang kailangan din ng written consent mula sa mga magulang ng mga estudayanteng lalahok sa face to face classess.

 

Sinabi ng Kalihim na magiging limitado ang kapasidad ng mga estudyante para sa naturang set up.

 

Sa Kindergarten ay tanging 12 learners lamang ang lalahok sa face to face habang ang nasa Grade 1 to 3 ay kailangang nasa 16 lamang at ang mga nasa hanay naman ng technical o vocational learners ay lilimitan sa 20.

 

Inaasahang sisimulan ang pilot testing ng face to face classess “in 2 months’ time.” (Daris Jose)

Other News
  • Lakas-CMD pormal ng nakipagsanib-pwersa sa administrasyon para halalan 2025

    INANUNSYO ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez noong Biyernes ang opisyal na pakikipag-alyansa ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) sa administrasyon upang punan at suportahan ang mga kandidato sa congressional-local election sa Mayo 2025.     Ginawa ni Romualdez ang anunsiyo sa national convention ng partido, na dinaluhan ng mga pangunahing opisyal at miyembro ng Lakas-CMD […]

  • SWAB TESTING COMPANY SA NAIA NA GRABENG MANINGIL DAPAT MAPAALIS SA PALIPARAN -MALAKANYANG

    KINAKAILANGAN na mapaalis ang swab testing company sa airport na sobra ang hinihinging singil sa mga indibidwal na nagpapa rt- PCR test sa kanila.   Tugon ito ni Presidential spokesperson Harry Roque sa harap ng impormasyon na isinawalat ni Senador Richard Gordon na ilang swab testing firms ang naniningil ng beinte mil kada swab test. […]

  • Duterte, muling ipinagtanggol si Duque sa isyu ng PhilHealth

    MULING ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.   Ito ay may kaugnayan sa pagdawit sa kalihima sa anomalyang nagaganap sa Philip- pine Health Insurance Corporation (PHilHealth). Ayon sa pangulo na ang iskandalo sa PhilHealth ay hindi sapat para kasuhan si Duque.   Dagdag pa nito na kaniyang […]