‘Limitless: A Musical Trilogy’, wagi ng Silver Award sa 2022 New York Festivals: JULIE ANNE, ginulat ang followers nang i-post ang short hairstyle
- Published on April 29, 2022
- by @peoplesbalita
GINULAT ni Julie Anne San Jose ang kanyang 2.6 million followers sa Instagram nang i-post niya ang bagong short hairstyle niya.
Tawag sa hairstyle ng Limitless Star ay wolf haircut at pinakulayan pa niya ito ng bright golden brown.
Dahil tapos na ang kanyang musical trilogy na Limitless, pinagupit na ni Julie ang kanyang mahabang buhok at mukhang mas feel niya ang new look niya. Nilagyan pa niya ito ng caption ang IG post niya na: “oooh i hear laughter in the rain.”
Maraming mga kaibigan ni Julie ang nagbigay ng kanilang compliment sa bagong look niya at kabilang na rito ang rumored boyfriend niyang si Rayver Cruz na ang naging comment sa post ni Julie ay fire emoji. Naging response naman ni Julie ay pumpkin at heart emoji.
Kinikilig ang mga JulieVer fans sa mga cute na interaction ng dalawa sa social media. Kaya hinihintay nila na magsama na ulit ang dalawa sa gagawin nilang production number sa All Out Sundays.
Nagpatikim nga si Rayver ng isang acoustic cover version niya ng “My Stupid Mouth” ni John Mayer na pinost niya sa IG.
Nag-comment naman agad si Julie ng: “Kakaproud, husay.” Reply naman ni Rayver ay: “Siyempre ikaw teach ko eh.”
Naghihintay na ang mga tagahanga nila ng kanilang magiging acoustic collaboration.
Anyway, wagi ng Silver Award ang Limitless: A Musical Trilogy sa entertainment-variety special category sa 2022 New York Festivals TV & Film Awards.
***
INAMIN ni Maricel Laxa na hindi niya inakalang magkakaroon pa siya ng comeback sa showbiz.
Isa si Maricel sa bida ng bagong GMA Afternoon Prime teleserye na Apoy sa Langit bilang isang widowed jewelry designer na si Gemma.
Kuwento ni Maricel, ang kanyang mga anak ang nagsabi sa kanya na oras na para bumalik siya sa pag-arte. Ang mga anak ni Maricel ay sina Donny, Ella, Benjamin, Hannah at Solana Pangilinan.
“Sabi nila ‘Mom, you know we’re fine. You’ve given us enough time, it’s time for you to shine now.
“I didn’t think of myself coming back to showbiz or even imagining na magkakaroon pa ako ng second wind and a season na na-e-enjoy ko talaga.
“Ngayon I’m just so happy that I have their blessing and excited silang malaman kung ano ang mga bago kong natututunan.”
Ayon kay Maricel, masaya siya sa comeback niya sa showbiz. Una niyang ginawa ang Mano Po Legacy: The Family Fortune bilang si Valerie Lim na na-challenge siya.
“Marami rin akong nai-explore na mga bagay na nagugulat ako so nago-grow ako. Naggo-grow din ‘yung audience. Natutuwa ako na may pagkakataon pa na ganito na ibinibigay pa sa artista na nagbabalik.”
‘Di malilimutan ang husay ni Maricel sa mga pelikulang ginawa niya noong ‘90s tulad ng Iisa Pa Lamang, Ikaw Ang Lahat Sa Akin, Makati Ave: Office Girls at Minsan Lamang Magmamahal.
***
BINILI ng tech billionaire na si Elon Musk ang social media platform na Twitter sa halagang $44 billion.
Ayon sa report: “Twitter has entered into a definitive agreement to be acquired by an entity wholly owned by Elon Musk, for $54.20 per share in cash in a transaction valued at approximately $44 billion. Upon completion of the transaction, Twitter will become a privately held company.”
Sa nilabas na statement ni Musk: “Free speech is the bedrock of a functioning democracy, and Twitter is the digital town square where matters vital to the future of humanity are debated. I also want to make Twitter better than ever by enhancing the product with new features, making the algorithms open source to increase trust, defeating the spam bots, and authenticating all humans. Twitter has tremendous potential — I look forward to working with the company and the community of users to unlock it.”
Naging largest shareholder ng Twitter si Musk ilang linggo bago niya naisipang bilhin ang naturang social media platform.
Si Musk ang founder, CEO, and Chief Engineer ng SpaceX at Tesla, Inc. Siya rin ang founder ng The Boring Company and co-founder of Neuralink and OpenAI.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Ads February 13, 2021
-
Matagumpay, produktibong pakikibahagi ni PBBM sa ASEAN Summit pinuri ni Speaker Romualdez
BINATI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa matagumpay at produktibong paglahok nito sa ika-44 at ika-45 ASEAN Summits and Related Summits na ginanap sa Laos kamakailan. Ayon kay Speaker Romualdez, ang istratehikong diplomasya ng Pangulo ay nagresulta makabuluhang tagumpay para sa pambansang interes ng bansa, partikular sa […]
-
Blancada pangarap ang mag-Olympics surfing
AANGKLAHAN ni 2019 Philippine Southeast Asian Games women’s surfing longboard gold medal winner Nilbie Blancada ang anim-katao pambansang koponan ng Pilipinas na papalaot sa 2021 Surf City El Salvador World Surfing Games sa Mayo- 29-Hunyo 6 sa La Bocana at El Sunzal, El Salvador. Isinilang sa Barangay Catangnan, Gen. Luna, Surigao del Norte […]