• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LIQUOR BAN MULING IPINATUPAD SA NAVOTAS

Nagpasa ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng City Ordinance No. 2021-18 na muling ipinagbabawal ang alak at pagbebenta ng alak at mga inuming nakalalasing sa lungsod.

 

 

Labag din sa batas ang pagdala ng alak, pag-inom ng naturang inumin at gumala ng lasing sa anumang mga pampublikong lugar sa lungsod.

 

 

“Safety protocols such as wearing of mask, non-sharing of food, glass or utensils, and social distancing are usually overlooked during drinking sessions,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

“People also have this false sense of security that their drinking buddies–family members, friends or neighbors who seem healthy–do not carry the virus. But most of our patients are asymptomatic or do not show symptoms that is why it is easy for them to transmit the virus to others without their knowing,” paliwanag niya.

 

 

Sinabi ni Tiangco na naitala ng lungsod ang biglang pagtaas ng  kumpirmadong mga kaso ng COVID-19 sa nagdaang apat na lingo.

 

 

“Our City Epidemiology and Surveillance Unit recorded 693 cases and established that there is clustering in some areas, and this has forced us to implement granular lockdowns,” aniya.

 

 

Nauna rito, nagpasa ang Navotas ng isang ordinansa na nagpapataw ng mandatory RT-PCR swab test bilang parusa sa lalabag sa mga safety protocol kabilang ang curfew, suot na face mask, at social distancing.

 

 

Ang mga lalabag sa liquor ban ay pagmumultahin ng P1,000-P5,000 o 1-10 araw na pagkakabilanggo. (Richard Mesa)

Other News
  • PH, ADB, tinintahan ang $500M loan accord para sa 4Ps program sa gitna ng COVID-19 crisis

    Humiram ng panibagong $500 milyong loan ang Pilipinas mula sa multilateral lender Asian Development Bank (ADB) bilang budgetary support para sa conditional cash transfer program ng pamahalaan sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.   Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Finance (DOF) na nilagdaan nila Finance Secretary Carlos Dominguez III at ADB […]

  • Kamara umaasang hindi na mabi-veto ang SIM Registration Bill

    UMAASA  ang liderato ng Kamara na hindi ma-veto ang SIM Registration Bill, matapos niratipikahan na ng Kamara ang Bicameral Conference Committee report ng panukapang SIM Registration Bill na nag-uutos na irehistro ang lahat ng Subscriber Identity Module o SIM card.     Ayon kay Speaker Romualdez, kanilang inaaasahan na ang SIM Registration Act ang kauna-unahang […]

  • Ads December 8, 2022