PH, ADB, tinintahan ang $500M loan accord para sa 4Ps program sa gitna ng COVID-19 crisis
- Published on June 17, 2020
- by @peoplesbalita
Humiram ng panibagong $500 milyong loan ang Pilipinas mula sa multilateral lender Asian Development Bank (ADB) bilang budgetary support para sa conditional cash transfer program ng pamahalaan sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Finance (DOF) na nilagdaan nila Finance Secretary Carlos Dominguez III at ADB country director for the Philippines Kelly Bird ang loan agreement para sa Expanded Social Assistance Project (ESAP) noong Hunyo 15.
“We thank the ADB for again extending its support to our sustained efforts to mitigate the impact of the COVID-19 pandemic on our economy and our people. This budget-support loan will not only help bridge our funding gap for our COVID-19 response but will also strengthen our social protection program as we restart our economy and help people get back on their feet amid the pandemic,” pahayag ni Dominguez.
Layunin ng ESAP, na bumubuo sa suporta ng ADB para sa social protection programs sa bansa, na tulungan ang pamahalaan sa patuloy na pagpapatupad ng pamahalaan ng conditional cash transfer initiative nito na tinatawag na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Layunin ng $500-milyong loan na ipagpatuloy ang pagpopondo ng education at health grants sa eligible 4Ps household-beneficiaries para sa loob ng apat na taon simula 2020.
Sinabi ng ADB na magbibigay din ito ng $3.1 milyong technical assistance grant upang “help improve the family and youth development sessions, update the list of eligible poor households, provide a package of livelihood and other support to help up to 3,000 households graduate out of poverty, support information technology (IT) reforms to automate compliance verification and grievance redress, and prepare for the integration of the 4Ps database with the government’s national ID system.”
Ito ang ikalawang karagdagang pondo na ibinigay ng ADB sa ilalim ng Social Protection Support Project (SPSP), na sumusuporta rin sa 4Ps.
“The ADB was among the first multilateral development institutions to provide assistance to the Philippines’ COVID-19 response with its delivery of a US$3-million grant for the government’s purchase of medical supplies for its frontline health workers, and another emergency grant of US$5 million to leverage private-sector donations for a food distribution program that has benefited 55,000 poor households in Metro Manila and neighboring areas,” ayon sa DOF.
-
PH men’s volleyball team ng bansa desididong makakuha ng gold medal sa SEA Games
TINIYAK ng Philippines men’s volleyball team na mayroon silang malaking improvements sa pagsabak nila sa Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam. Sila kasi ngayon ang binabantayan na koponan matapos na makakuha ng silver medal noong 2019 Southeast Asian Games. Bagama’t hindi na nagsisimula ang mga liga ng mga volleyballs sa bansa […]
-
Mayor Wes, Senator Win, nagbigay ng cash aid sa mga nasunugan sa Valenzuela
BILANG tulong sa mga pamilyang nawalan ng bahay sa nangyaring sunog sa Barangay Gen. T. De Leon noong Enero 14, pinagkalooban ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian at ng opisina ni Senator WIN Gatchalian ng tulong pinansyal ang mga nasunugan sa Bitik Elementary School. Ang bawat pamilyang pansamantalang […]
-
Suporta sa atletang sasabak sa Tokyo Olympics, tuloy – PSC
Siniguro ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner William “Butch” Ramirez na tuloy ang kanilang buong suporta sa mga atletang lalahok sa 2021 Tokyo Olympics. Nangako ang PSC ng buong suporta kahit pa tinapyasan ng gobyerno ang kanilang pondo dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-19. Isiniwalat ng PSC, na aabot sa P1.3 billion ng […]