• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LIQUOR BAN MULING IPINATUPAD SA NAVOTAS

Nagpasa ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng City Ordinance No. 2021-18 na muling ipinagbabawal ang alak at pagbebenta ng alak at mga inuming nakalalasing sa lungsod.

 

 

Labag din sa batas ang pagdala ng alak, pag-inom ng naturang inumin at gumala ng lasing sa anumang mga pampublikong lugar sa lungsod.

 

 

“Safety protocols such as wearing of mask, non-sharing of food, glass or utensils, and social distancing are usually overlooked during drinking sessions,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

“People also have this false sense of security that their drinking buddies–family members, friends or neighbors who seem healthy–do not carry the virus. But most of our patients are asymptomatic or do not show symptoms that is why it is easy for them to transmit the virus to others without their knowing,” paliwanag niya.

 

 

Sinabi ni Tiangco na naitala ng lungsod ang biglang pagtaas ng  kumpirmadong mga kaso ng COVID-19 sa nagdaang apat na lingo.

 

 

“Our City Epidemiology and Surveillance Unit recorded 693 cases and established that there is clustering in some areas, and this has forced us to implement granular lockdowns,” aniya.

 

 

Nauna rito, nagpasa ang Navotas ng isang ordinansa na nagpapataw ng mandatory RT-PCR swab test bilang parusa sa lalabag sa mga safety protocol kabilang ang curfew, suot na face mask, at social distancing.

 

 

Ang mga lalabag sa liquor ban ay pagmumultahin ng P1,000-P5,000 o 1-10 araw na pagkakabilanggo. (Richard Mesa)

Other News
  • MAJA, pinupuri sa ‘Arisaka’ at mukhang makakalaban nina SHARON at KIM sa pagka-Best Actress

    PINUPURI nga ng netizens ang official poster ng Arisaka na pinagbibidahan ni Maja Salvador na magwo-world premiere at magko-compete sa 34th Tokyo International Film Festival (TIFF)     Inilabas na rin ni Direk Mikhail Red official trailer at makikita si Maja na isang policewoman na trying to escape and survive habang hinahabol ng mga kapwa-pulis headed by Mon Confiado.     […]

  • Pacquiao tatanggapin ang ‘Manok ng Bayan’

    SOKPA uli si eight-division world men’s professional boxing champion Sen. Emmnuel ‘Manny’ Pacquiao sa Philippine Sportswriters  Association (PSA) virtual Awards Nights 2020 sa TV5 Media Center sa Mandaluyong sa Marso 27, Sabado.     Igagawad sa 42-anyos, 5-7 ang taas at tubong Kibawe, Bukidnon ang Chooks-to-Go Fan Favorite ‘Manok ng Bayan’ Award, na kabilang sa […]

  • Tolentino kumpiyansa sa tsansa ng mga Pinoy athletes sa Olympic gold

    Naniniwala ang Philippine Olympic Committee (POC) na ito na ang pagkakataon para makamit ng bansa ang inaasam na kauna-unahang gold medal sa Olympic Games.     Ito ay sa kabila ng ilang panawagan na ipagpaliban muli ang Olympics na idaraos sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8 sa Tokyo, Japan dahil sa paglobo ng kaso ng […]