Listahan inilabas ng Malakanyang: PBBM sa publiko, planuhin ng maayos ang 2024 long weekends
- Published on January 5, 2024
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa publiko na planuhin mabuti at maagang ayusin ang inilabas ng Malakanyang na ‘long weekends’ para ngayong taon ng 2024.
“Lubusin natin ang mga long weekend ngayong 2024 kasama ang ating pamilya at mga mahal sa buhay!” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang post sa Instagram.
“Paghandaan din nating mabuti ang ating mga transaksyon at bakasyon para sa isang produktibo at masaganang taon,” dagdag na wika ng Pangulo.
Ang mga long weekends ay:
March 28 (Maundy Thursday), 29 (Good Friday), 30 (Black Saturday) at 31 (Easter Sunday)
August 24 (Sabado), 25 (Linggo) at 26 (National Heroes Day)
November 1 (All Saints’ Day), 2 (All Souls’ Day) at 3 (Linggo)
December 28 (Sabado), 29 (Linggo), 30 (Rizal Day) at 31 (Huling araw ng Taon, isang special non-working day)
Matatandaang, Oktubre ng nakaraang taon, ipinalabas ng Malakanyang ang listahan ng regular at special non-working holidays para sa taong 2024.
Ang listahan ng regular holidays ay nakasaad sa ilalim ng Proclamation 368, may petsang Oktubre 11, 2023 at nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, dineklara ni Pangulong Marcos ang mga sumusunod:
January 1 – New Year’s Day
March 28 – Maundy Thursday
March 29 – Good Friday
April 9 – Araw ng Kagitingan
May 1 – Labor Day
June 12 – Independence Day
August 26 – National Heroes Day (Huling Lunes ng Agosto )
November 30 – Bonifacio Day
December 25 – Christmas Day
December 30 – Rizal Day
Gayunman, hindi naman kasama sa listahan ang Pebrero 25, tanda ng anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, ang nasabing event ang tumuldok sa tinatawag na ‘decades-long rule’ ng ama ni Pangulong Marcos Jr. na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Ang paliwanag ng Malakanyang, hindi isinama sa listahan ang pagdiriwang ng EDSA People Power Revolution dahil ang Pebrero 25, 2024 ay pumatak sa araw ng Linggo.
Samantala, idineklara rin ng Malakanyang na holidays sa bilang lalawigan para gunitain ang kanilang founding anniversaries o pagdiriwang ng iba’t ibang kapistahan.
“Proclamation No. 424 declared February 3 a holiday in Cabanatuan City, Nueva Ecija, as this marks its 74th founding anniversary. On the other hand, through Proclamation No. 423, Palace also declared January 26 a special non-working day in Cadiz City, Negros Occidental for the celebration of the Dinagsa Festival,” ayon sa Malakanyang.
Sa Lipa City, Batangas, idineklarang holiday ang Pebrero 20 sa ilalim ng Proclamation No. 422 para ipagdiwang ang Coffee Festival.
Sa bisa naman ng Proclamation No. 417, idineklara ang Enero 29 bilang special non-working day sa Tantangan, South Cotabato para gunitain ang ika-63 taong anibersaryo at maging ang Kulitangtang Festival. (Daris Jose)
-
Warriors paborito na ng ilang analysts na papasok sa NBA championships
BAHAGYANG naibsan umano ang kumpiyansa ng ilang mga basketball analysts na muling aakyat sa kampeonato sa NBA ang number 1 ngayon sa Western Conference na Phoenix Suns. Ito ay makaraang kumpirmahin ng koponan na baka abutin pa ng hanggang dalawang buwan sa pagpapagaling sa kanyang injury sa kamay ang veteran point guard na […]
-
James nagpasikat sa panalo ng Lakers vs Wolves
Kumolekta si LeBron James ng 25 points, 12 rebounds at 12 assists para sa kanyang ika-99 career triple-double para banderahan ang nagdedepensang Lakers sa 137-121 paghuli sa Minnesota Timberwolves. Umiskor din si Montrezl Harrell ng 25 points para sa panalo ng Lakers (27-13), nakahugot kina Dennis Schröder, Kyle Kuzma at Talen Horton-Tucker ng […]
-
CINE EUROPA IS SCREENING 19 FILMS ONLINE UNTIL NOVEMBER 29!
CINE Europa, Europe’s biggest and most exciting film festival is now back in the Philippines from 31 October to 29 November. The pandemic is not about to stop the film festival but in effect has provided an occasion to turn a challenge into an opportunity. This year, Cine Europa brings 19 films from […]