Listahan ng mga bagong benepisaryo at natanggal mula sa 4Ps, inaasahang mailalabas sa Setyembre o Oktubre – DSWD
- Published on July 23, 2022
- by @peoplesbalita
INAASAHANG ilalabas ang listahan ng mga bagong benepisaryo at natanggal mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Setyembre o Oktubre ngayong taon.
Paliwanag ni DSWD Assistant Secretary Romel Lopez na ang mga natanggal mula sa listahan ng 4Ps ay ang mga pamilya na wala ng anak na edad 18 pababa o nag-aaral, ang mga kumikita ng P12,000 pataas kada buwan, ang mga nakaabot na ng 7-year duration ng programa, ang mga non-compliant o lumabag sa mga kondisyon sa ilalim ng 4Ps at ang mga inurong ang kanilang membership.
Sa kasalukuyan, nasa proseso na ang DSWD ng pag-validate sa listahan ng 1.3 million benepisaryo na ngayon ay itinuturing na non-poor at hindi na kwalipikadong makatanggap ng naturang cash aid mula sa gobyerno.
Ang bakanteng slots naman para sa conditional cash transfer program ay ibibigay sa bagong mga benepisaryo o aplikante na nasa waiting list.
Una nang inihayag ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na aabot sa 2 million benepisaryo ang matatanggal mula sa listahan ng 4Ps.
Kasalukuyang binubusisi naman ng ahensiya ang status ng nasa 600,000 pang recipients matapos na makumpirma na nasa 1.3 million households na ang ikinokonsiderang hindi na mahirap at hindi na kwalipikado sa naturang cash aid. (Daris Jose)
-
Pinas 2nd sa vaccination rollout sa Southeast Asia
Pumangalawa na ang Pilipinas sa estado ng ‘vaccination rollout’ sa Southeast Asia makaraang umakyat na sa 4,097,425 doses ang naipamahagi sa mga mamamayan, ayon sa National Task Force Against COVID-19 nitong Linggo. Sa datos mula sa Bloomberg World Data, nasa 4,097,425 kabuuang doses ng bakuna ang naibigay sa publiko ng Pilipinas habang nangunguna […]
-
Ads August 24, 2020
-
3 kalaboso sa P1.5 milyon shabu sa Caloocan
KULONG ang tatlong hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P1.5 milyon halaga ng shabu nang tangkain takasan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita habang sakay ng dalawang motorsiklo sa Caloocan City. Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong mga suspek na sina Jeffrey Filiciano, 43, Regie […]