Listahan ng pumasa sa Bar Exam, inilabas na
- Published on December 16, 2024
- by @peoplesbalita
NANGUNA ang University of the Philippines (UP) sa mga bago at tinaguriang ‘most valuable lawyers ” sa resulta ng 2024 Bar examinations habang nag-tie naman sa ika-20th na rank ang kapwa nagtapos sa University of Santo Tomas (UST).
Ang paglabas ng resulta ng mga nakapasa sa bar exam ay bahagyang na-delay sa kadahilanang kinailangang pagbotohan na i-adjust ang passing rate mula sa 75% sa 74% na isang magandang balita para sa lahat na sumabak sa bar exams 2024.
Sa anunsyo ni SC Associate Justice Mario V.Lopez , ang percentage ng passing rate ay 37.8 percent ng kabuuang 3,962 na bagong mga abogado mula sa 10,490 na examinees.
Ang top 10 na most valuable lawyers ay ang sumusunod;
1. Kyle Christian Tutor mula University of Manila – 85.77 %
2. Maria Cristina Aniceto ng Ateneo de Manila- 85.54 %
3. Gerald Roxas ng Angeles University Foundation School of Law – 84.35%
4. John Philippe Chua ng UP- 84.28%
5. Jet Ryan Nicolas ng UP- 84.26%
6. Maria Lovelyn Joyce Quebrar ng UP- 84.06%
7. Kyle Andrew Isaguerre ng Ateneo de Manila University – 83.90%
8. Joji Macadeni ng University of Mindanao- 83.74%
9. Gregorio Jose Torres II ng Western Mindanao State University- 83.59%
10. Raya Villacorta ng San Beda University- 83.47 %
Nagtabla naman sa ika 20 pwesto sina Pierre Angelo Request at Charles Kenneth Lijauco na kapwa nagtapos sa University of Santo Tomas ay nakakuha ng 82.79%.
Bagama’t bumuhos ang ulan, hindi naman natinag ang mga bar examiners sa kanilang paghihintay na makita ang resulta ng bar exams ngayong taon .
Naging emosyunal naman ang karamihan dahil ang ilan ay unang sabak pa lamang kumuha ng bar exam ngunit nakapasa na sa unang pagkakataon bagama’t mahirap umano ang bar exams ngayong taon. (Gene Adsuara)
-
Crossovers kampeon!
Humarurot ng husto ang Chery Tiggo sa huling sandali ng laro upang makuha ang 23-25, 20-25, 25-21, 25-23, 15-8 come-from-behind win laban sa Creamline at matamis na kubrahin ang kampeonato sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte. Walang iba kundi sina middle blocker […]
-
Blu Girls dapat nang maghanda para sa 2022 Asiad – Altomonte
NAKATAKDA na sa Setyembre 10-25, 2022 ang 19th Asian Games sa Hangzhou City, Zhejiang Province, China. Kaya gusto na ng dating national women’s softball team skipper, catcher at bagong nombrang secretary general ng Amateur Softball Association of the Philippines (ASA-Phil) na pabalikin na sa pag-eensayo ang Philippine Blu Girls. “The national […]
-
Sarno sinungkit ang 2 gold sa Tashkent Asian lift fest
NAGREYNA sa Vanessa Sarno nang pamayagpagan ang women’s 71-kilogram division ng ginaganap pa ring 49th Asian Men’s and 30th Women’s Weightlifting Championships 2021 sa Tashkent, Uzbekistan nitong Miyerkoles ng gabi. Pinitas ng edad 17 Pinay na barbelista mula sa Tagbilaran, ang gold medal sa total lift sa 229 kgs. at sa clean and […]